Xyriel Manabat, naging emosyonal sa video interview ukol sa bastos na netizens

Xyriel Manabat, naging emosyonal sa video interview ukol sa bastos na netizens

- Si Xyriel Manabat ay nagbigay ng pahayag sa ABS-CBN News program, Teleradyo Balita

- Nagsalita si Xyriel ukol sa kanyang kontrobersya, kung saan may mga netizens na nangbastos sa kanya at sa kanyang pananamit

- Inilahad ng teen star na magsasampa siya ng kaso sa mga netizens na gumawa ng pangbabastos sa kanya online

- Ayon kay Xyriel, hindi dapat i-objectify ang kababaihan at hindi dapat hayaang magpatuloy ang ganoong masamang pag-iisip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Xyriel Manabat, naging emosyonal sa video interview ukol sa bastos na netizens

Photo from Xyriel Manabat's Instagram account
Source: Instagram

Si Xyriel Manabat ay naging emosyonal sa kanyang interview sa ABS-CBN News program, Teleradyo Balita.

Nalaman ng KAMI na nag-salita si Xyriel ukol sa kanyang kontrobersya, kung saan may mga netizens na nang-bastos sa kanya at sa kanyang pananamit.

Ayon sa teen star, magsasampa siya ng kaso sa mga netizens na gumawa ng pangbabastos sa kanya online.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Ipinaliwanag niya na hindi dapat i-objectify ang kababaihan at hindi dapat hayaang magpatuloy ang ganoong masamang pag-iisip.

“Hindi po ‘yun simpleng panlalait or panghuhusga. Nambabastos po sila.
“Nang-oobjectify po sila ng kapwa and hindi po dapat hinahayaan ‘yun.
“Kahit kailan po ay hindi entertainment na manapak ng kapwa at mangbastos ng kapwa," sinabi ni Xyriel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Xyriel’s interview can be watched at the 54:15 mark of this Teleradyo Balita episode:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009, kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Exclusive: Xyriel Manabat, bumwelta sa nagsasabing deserve niyang bastusin

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon.

Si Xyriel ay umani ng papuri ilang buwan na ang nakakaraan dahil nagtapos siya sa high school. Ayon sa kanyang Instagram post, sa Golden Faith Academy siya nakapagtapos.

Kamakailan lang ay nag-viral din ang kanyang ibinahaging picture sa social media. Maraming netizens ang natuwa dahil dalaga na ang dating sikat na child star.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel