Bawal Judgmental constestant, nakapiling na ang anak na may special needs

Bawal Judgmental constestant, nakapiling na ang anak na may special needs

- Emosyonal ang muling pagkikita ng mag-inang nagkawalay ng mahigit isang taon

- Naging contestant ang ina sa Bawal Judgmental kung saan nagkaroon ng pagkakataong manawagan para mahanap ang nawawalang anak

- Matapos na mapanood ng publiko ang episode ng Eat Bulaga, dumagsa na ang mga impormasyon ng kinaororoonan ni Earl John

- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang ina na tila hindi makapaniwalang natagpuan na anak na mahigit isang taon na nawala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina, emosyonal nang makasama ang anak na may special needs na nawala ng mahigit 1 taon

Sina Muriel at Earl John (Screengrab from Eat Bulaga Facebook page)
Source: Facebook

Nagkita na ang mag-inang sina Earl John at Muriel Morena makalipas ang mahigit isang taon nilang pagkakawalay.

Nalaman ng KAMI na nalagak si Earl John sa Metro Psych Facility sa Pasig mula sa Pampanga kung saan siya natagpuan.

Apat na buwang namalagi si Earl John sa facility at makikitang maayos ang kalagayan niya roon base na rin sa kanyang pangangatawan.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Setyembre 12 ng kasalukuyang taon nang maging contestant ang ina ni Earl John na si Muriel sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Napanood ng publiko ang hinagpis ng ina na nawalay sa anak ng mahigit na isang taon.

Dahil dito, marami ang nakipag-ugnayan kay Muriel at nagsasabing alam nila ang kinaroroonan nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Hindi nagtagal, natunton nga ni Muriel ang lugar kung saan naroon ang kanyang anak.

Subalit dahil sa quarantine measures at nasa magkaibang lugar sila, minabuti nilang walang virus si Earl John na uuwi sa kanila.

Setyembre 22, inihatid na si Earl John sa kanilang tahanan sa Rosario, Cavite.

Bumuhos ang emosyon nang magkita muli ang mag-ina gayundin ang iba pa nilang kamag-anak na matagal na ring naghahanap at naghihintay sa pagbabalik ni Earl John.

Labis na nagpapasalamat si Muriel sa Eat Bulaga na kung hindi dahil sa kanilang programa hindi pa rin sila magkapiling ng anak niya ngayon.

Joross Gamboa, kinagiliwan ng netizens matapos magbahagi ng parenting tips

Bakas din kay Earl John ang labis na kasiyahang nakauwi na siya sa kanilang tahanan.

Narito ang kabuuan ng video ng kanilang muling pagkikita mula sa Eat Bulaga Facebook:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging longest-running noontime show ng bansa at pagbibigay saya sa pananghalian ng bawat pamilyang Pilipino, kilala rin ang Eat Bulaga sa pagtulong nila sa ating mga kababayan.

Isa rin sa mga natulungan ng programa ay ang Mangyan na matapos magtapos ng nursing ay nakapagtapos na rin ng kursong Medisina.

Dahil dito, sinuportahan ng Eat Bulaga ang pagkuha ng licensure exams ng katutubo at binigyan siya ng scholarship.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel