Lady driver na nakaligtas sa pananaksak ng pasahero, humihingi ng hustisya

Lady driver na nakaligtas sa pananaksak ng pasahero, humihingi ng hustisya

- Isa na namang lady driver ang nagawang saksakin ng kanyang babaeng pasahero

- Nagpanggap na magpapahatid mula Pangasinan hanggang Novaliches ang suspek nang sabihin nitong may kasama pala siya na siyang nag-arkila ng sasakyan

- Subalit bago pa man makarating sa bahay ng suspek bigla umano nitong sinaksak ang driver

- Desidido ang driver na sampahan ng kaso ang pasaherong dumaraan daw sa depresyon

- Ngunit dahil wala pa umano sa wastong edad ang suspek at walang mapaglaagakan ito sa DSWD, nakalaya pa ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lady driver na nakaligtas sa pananaksak ng pasahero, naglabas ng saloobin sa socmed

Lady driver (Photo from PxHere)
Source: UGC

Sugatan ang isang lady driver sa Urdaneta City sa Pangasinan nang saksakin umano ito ng babaeng pasahero.

Nalaman ng KAMI na nagpanggap ang suspek na pasaherong magpapahatid sa 30-anyos na biktimang si Lea Cordera.

Ngunit nang tagpuin niya ito, sinabi ng babaeng nag-book ng kanyang rent-a-car na dadaanan umano nila ang talagang pasahero nito.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Ayon pa sa PTV News umabot sa 40 minuto ang pag-iikot nang dalawa ngunit hindi raw natagpuan ng suspek ang totoong pasahero.

Nagsabi pa umano ito na nahihiya siya kay Cordero kaya magbabayad pa rin daw siya kahit panggasolina lamang.

Ngunit bago pa man makauwi, bigla na lang hinablot ng suspek na isa pa lang menor de edad ang buhok ng driver saka ito sinaksak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nakailag si Cordero subalit nagkaroon pa rin ng mga sugat dahil sa pangyayari.

Ayon sa ama ng suspek na si Emil, sinabi nitong dumaranas ng depresyon ang kanyang anak.

Bigla na lamang daw nandilim ang paningin ng anak at tila hindi raw nito alam ang kanyang nagawa.

Sa panayam ni Claire Lacanilao ng GMA Regional TV kay Cordero sinabi nitong desidido siyang magsampa ng kaso sa kampo ng suspek.

Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

"Hindi po dahilan ang depresyon para pumatay ng tao. Kung nakikita niyo ho ako sumusugal ako from Manila papuntang probinsiya para kumita ng pera para sa pamilya ko, tapos ganun lang ang gagawin niya," paliwanag ng biktima.

Idinetalye pa ni Cordero sa programa ni Erwin Tulfo na 'Tutok Tulfo' ang peligrong sinapit niya sa babae.

Subalit sa pinakahuling update ni Cordero na may Facebook name na Marie Iya Tdc, naglabas umano ito ng hinanakit lalo na at hindi niya basta masampahan ng kaso ang babaeng dumaranas daw ng post-partum depression dahil wala pa ito sa wastong gulang.

Bukod pa rito, wala rin daw mapaglagakan ang suspek sa DSWD sa kanilang lugar kaya ibinalik na lamang ito sa pangangalaga ng kanyang mga magulang.

Hihintayin pa umano ni Cordero na sumapit ito ng 18 gayung 17 pa lang ito bago makasuhan at makapagbayad sa kanyang nagawa.

Dahil dito, hindi naiwasang sumama ang loob ng biktima dahil sa malaking perwisyong ginawa ng suspek sa kanya na naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya.

25-anyos na call center agent, nakapagpundar na ng bahay sa loob ng apat na taon

Hustisya ang sigaw niya sa kanyang sinapit lalo na at halos ikamatay na raw niya ang pangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang hindi nalalayo ang eksenang ito sa malagim na nangyari sa isa ring lady driver na si Jang Lucero.

Hunyo 28 nang matagpuang walang buhay si Lucero sa sarili niyang sasakyan na maghahatid sana sa ilang pasaherong nag-book at nagpapahatid sa kanya patungong Maynila.

Ilang araw matapos ang krimen, dinakip ang naging kasintahan ng partner ni Lucero ngunit pinalaya rin ito dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Naihatid na lang sa huling hantungan si Lucero subalit hindi pa rin nito nakakamit ang hustisya sa kanyang pagkamatay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel