BFF ni Lloyd Cadena, pina-tattoo ang legendary icon na yumaong vlogger

BFF ni Lloyd Cadena, pina-tattoo ang legendary icon na yumaong vlogger

- Inalala ng mga malalapit na kaibigan ng yumaong vlogger na si Lloyd Cafe Cadena ang kaarawan nito

- Ang bestfriend nito na si Madam Ely ay ipina-tattoo pa nga ang "legendary icon" daw ni Lloyd

- Puno ng pangungulila ang mensahe nito para sa namayapang kaibigan

- Hiling pa ni Madam Ely na sana raw ay gabayan ni Lloyd ang mga nagmamahal dito para magkaroon ng lakas na magpatuloy sa kabila ng pagkawala nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan nang gulatin ang publiko ng balitang pumanaw na ang isa sa mga pioneers ng vlogging sa bansa na si Lloyd Cafe Cadena sa edad na 26.

Kahapon, September 22 ay nagdiwang sana ng ika-27 kaarawan nito si Lloyd.

BFF ni Lloyd Cadena, pina-tattoo ang legendary icon ng yumaong vlogger

Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook page
Source: Facebook

Inalala ng mga nagmamahal kay Lloyd ang kanyang kaarawan at isa na rito ang bestfriend nito na si Madam Ely.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Madam Ely na ipina-tattoo niya ang "legendary icon" daw ng yumaong kaibigan.

"I chose this design, your icon — your legendary icon with your towel because this symbol represents the entirety of who you are and all the things you were “enabled” to do because of your talents & gifts. God gave you a purpose & he enabled you to fulfill that purpose," madamdaming pahayag nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kalakip nito ang mensahe ng pagbati nito para sa kaibigan. Puno ng pangungulila at pagmamahal ang mensaheng ito ni Madam Ely para kay Lloyd.

Hiling nito na sana raw ay gabayan ni Lloyd ang mga nagmamahal sa kanya lalo na ang pamilya nito na magkaroon ng lakas na magpatuloy sa kabila ng pagkawala nito.

"Please continue to guide us and inspire us and help us slowly ease the stabbing pain of your passing. Please pray for us, most especially Mama Lory, Ate Jing, Ate Set, Lhoise, & Papa Jun, that they may be given the strength soon to carry on. Happy birthday mars," anito sa post.

Fresh start! Tim Sawyer, nag-post ng larawan nila ni China Roces

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs. Isa rin itong Author at radio disk jockey.

Pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020 sa edad na 26 dahil sa cardiac arrest. Bago nito ay nag-positibo ito sa COVID-19 ayon sa pahayag ng pamilya nito.

Bago ang kanyang biglaang paglisan ay nagawa pa ngang tumulong ni Lloyd sa ilang estudyante sa kanilang lugar at namahagi ng mga tablets para sa online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel