Balut na bigay ng BF, naging alagang bibe ng kanyang nobya

Balut na bigay ng BF, naging alagang bibe ng kanyang nobya

- Kinagiliwan ng maraming netizens ang post ng nobyo tungkol sa kakaibang regalo niya sa kanyang kasintahan

- Mahilig daw ito sa balut kaya naman binilhan niya ito ng isang tray subalit di nga nila naubos

- Nagulat na lamang ang nobya nang may narinig siyang kakaiba sa kanyang kabinet na inakala pa niyang daga

- Laking gulat niya nang malamang lumaki at naging bibe ang balut na kanyang reserba

- Dahil sa bigay ito ng kanyang nobyo, pinahalagahan niya ito, pinalaki at inalagaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Balut na bigay ng BF, naging alagang bibe ng kanyang nobya

Photo from StephHew's Facebook
Source: Facebook

Viral ngayon sa social media ang nakakaaliw na regalo ng isang nobyo sa kanyang GF Na mahilig kumain ng balut.

Nalaman ng KAMI na bumili ng isang tray na balut ang nobyong may Facebook name na StephHew para sa kanyang nobya.

At dahil sa marami raw ito, nagtago sa ibabaw ng kabinet ng dalawang piraso ang GF para mayroon daw siyang reserba.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Makikita sa mga larawang binahagi ng nobyo ang pangyayari matapos na marinig ng kasintahan ang kakaibang tunog sa kabinet kung saan naroon ang natirang balut.

Laking gulat ng nobya nang makitang napipisa na ang itlog at unti-unti nang lumalabas ang bibe.

Dahil sa regalo ito ng kanyang pinakamamahal, pinahalgahan niya ito.

Katunayan, inalagaan na nila ito at pinangalanang "Balot." Sa loob ng dalawang buwan, kinuhanan nito ng litrato at sinubaybayan ang paglaki.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pabiro rin nila itong tinatawag na anak dahil sa naging simbolo na ito ng pagmamahalan ng magksaintahan.

Sa mga larawan, nakikita kung paano pinagmamalasakitn ng nobya si "Balot." Nandung ito ay kanyang buhatin, yakapin at paliguan.

"Like mother like daughter, Ang saya tingnan na masayang yong minamahal mo sa buhay. Kahit sa simpleng bagay lang," pahayag ng nobyo.

Narito ang ilan sa bahagi ng post:

Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad nina StephHew at kasintahan nito, nag-viral din kamakailan ang ngayo'y mag-asawa nang sina Gab at Khaye.

Matatandaang si Gab ay nag-propose sa nobya nang maka-recover ito sa COVID-19 at di nagtagal ay nagpakasal na ang dalawa.

Gayundin ang napaka-gandang winter wedding na nag-viral din kamakailan dahil sa kabila ng banta ng COVID-19, lumipad pa ang noo;y magkasintahan pa lamang na sina Gloriebella at Mark patungong Georgia upang ituloy ang kasalan.

Patunay lamang na ang mga kwento nila, iba-iba man ang kanilang sitwasyon ay nagpapakita pa rin ng totoong pagmamahalan at pag-iibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel