Panelo sa pahayag ni Robredo sa COVID-19 response: 'Puro ka reklamo'

Panelo sa pahayag ni Robredo sa COVID-19 response: 'Puro ka reklamo'

- Sinagot ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang huling pahayag ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic

- Ayon kay Panelo, tila pinalalabas ng bise presidente na walang ginagawa ang pamahalaan kontra sa mga problemang dulot ng virus

- At sa halip na tumulong ay puro raw reklamo si Robredo at tila hindi nakikita ang mga ginagawa ng pamahalaan

- Nito lamang Martes nang ibahagi ni Robredo sa isang Facebook post ang isang pag-aaral tnugkol sa mga bansang napigil ang pagkalat ng COVID-19 kahit wala pang vaccine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malaman at deretsong sinagot ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang huling pahayag ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Panelo, tila pinalalabas ng bise presidente na walang ginagawa ang pamahalaan kontra sa virus.

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo
"Puro ka reklamo," Panelo sa pahayag ni Robredo sa COVID-19 response

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

At sa halip na tumulong ay puro raw reklamo si Robredo at tila hindi nakikita ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa mga problemang dulot nito.

"Wala ka [Robredo] naman kasing ginawa kung 'di magreklamo naman e. Tapos, nagbibigay ka ng mga mungkahi, e 'yun namang mga mungkahi mo e, matagal nang ginagawa, at ginagawa at palagiang ginagawa," ani Panelo.

Narito ang video clip mula sa News5 Facebook page:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasunod ito ng naging pahayag ni Robredo kung saan ibinahagi nito ang isang pag-aaral tungkol sa mga bansang napigil ang pagkalat ng virus kahit walang vaccine.

Sa nasabing pag-aaral mula sa The Lancet COVID-19 Commission, nasa ika-66 rank ang Pilipinas mula sa 91 na bansa.

"This was a study published by LANCET Covid 19 Commission last September 14. The Commission was launched in July 2020 to help governments respond better to the Covid 19 pandemic.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

"Pinapakita sa table na to na possible naman ma suppress kahit wala pang vaccine. If 19 countries were able to do it, no reason why we can’t. Kaya natin to," ayon sa FB post ni Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maria Leonor Santo Tomas Gerona-Robredo o Leni Robredo ang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Ipinanganak ito sa Naga City noong Abril 23, 1965.

Kamakailan ay sinagot ni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pag-spray ng pesticide sa buong bansa.

Bilang tugon, hinamon naman ito ng Palasyo na magbigay ng solusyon sa COVID-19 habang wala pang vaccine.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel