19-anyos na lalaki, 10 araw na nagbisikleta mula Parañaque pauwing Samar

19-anyos na lalaki, 10 araw na nagbisikleta mula Parañaque pauwing Samar

- Nagbisikleta sa loob ng sampung araw ang isang lalaking mula Parañaque pauwi sa kanyang probinsya sa Samar

- Wala umano itong pamasahe at ang masaklap, wala na rin itong trabaho dala ng pandemya

- Ngunit dahil sa pagnanais niyang makauwi na lamang sa kanilang probinsya, tiniyaga niyang mag-pedal ng lampas isang linggo

- Pagdating sa provincial border ng kanilang lugar, nakapagpahinga ito at natulungang makauwi sa kanilang mismong bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

19-anyos na lalaki, 10 araw na nagbisikleta mula Parañaque pauwing Samar

Photo (from Flickr)
Source: UGC

Isang 19-anyos na lalaki ang nagawang magbisikleta mula Parañaque City pauwi sa kanyang probinsya sa Eastern Samar.

Nalaman ng KAMI na wala umanong pamasahe pauwi ang lalaking nakilalang si Peter Roncales.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nakarating na sa munisipalidad ng Taft si Peter nito lamang Lunes, Setyembre 21. Tinatayang nasa 1000 kilometro na ang layo nito mula sa kanyang pinanggalingang lungsod.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Hindi na umano nagdalawang isip ang binatilyo na gamitin ang bisikleta sa pag-uwi niya ng probinsya gayung wala umano siyang pamasahe.

Sa ulat ng Manila Bulletin, binahagi ng netizen na si Christian Evardone ang larawan ni Peter na pagod na pagod mula sa mahigit isang linggong pagpe-pedal ng bisikleta.

Nasa 38 kilometro pa ang layo ng Taft sa Oras, Eastern Samar kung saan mismo ang destinasyon ni Peter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa Facebook post ng Taga Ormoc Daily, nasabing sinikap makauwi ng binatilyo upang makapiling na lamang ang kanyang pamilya lalo na at matinding pagsubok ang kanyang kinaharap dala ng pandemya.

Sa pinakahuling upadate kay Peter, nasundo na umano siya ng sasakyan mula sa oras.

At dahil mula pa siya ng Maynila, idiniretso muna siya sa quarantine facility sa kanilang bayan. Mamalagi siya doon sa loob ng 14 araw upang masigurong wala siyang dalang virus sa kanyang pamilya.

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

Marami sa ating mga kababayan ang doble ang pahirap na dinaranas dahil sa COVID-19.

Hindi lamang ang takot na magkaroon ng virus ang iniintindi kundi ang maaring pagkakitaan gayung marami sa atin ang nawalan ng hanapbuhay kaya naman walang kinikita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ilan, matiyagang naglakad na lamang pauwi sa kani-kanilang probinsya dahil wala na raw sila umanong trabahong babalikan pa sa Maynila.

Ang iba naman, stranded pa rin sa siyudad at umaasang mayroon silang masasakyan pauwi ng kani-kanilang probinsya upang makapiling nila ang mga mahal sa buhay na naghihintay ng kanilang pagbabalik.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel