Bulag, sinaktan at pilit nakawan ng napalimos ng taong kakilala niya

Bulag, sinaktan at pilit nakawan ng napalimos ng taong kakilala niya

- Kaawa-awa ang isang bulag na ama na pamamalimos lang ang ikinabubuhay nang tinagka siyang nakawan ng taong kanyang kakilala

- Nang hindi niya ibinigay ang napaglimusan, nagawa pa siyang itulak nito sa tubigan at mabuti na lamang at nakahingi siya ng tulong

- Naisama siya ng babaeng suspek dahil dati raw itong kinakasama ng kanyang kapatid

- Nakakulong na ang suspek at haharap ito sa kasong frustrated hommicide at attempted robbery

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bulag, sinaktan at pilit nakawan ng napalimos ng taong kakilala niya

Photo (from Pixabay)
Source: UGC

Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang person with disability (PWD) na si Lito Martinez matapos na ay saktan at ihulong sa patubig ng kakilala niya.

Nalaman ng KAMI na wala umanong paningin si Lito at pamamalimos lamang ang kanyang ikinabubuhay.

Sa programang Idol in Action ni Tulfo, isinalaysay ni Lito ang ginawa sa kanya ng suspek na si helen Ramos Valdez, ang dating kinakasama umano ng kanyang kapatid.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Naka-upo lamang daw si Lito sa may simbahan kung saan siya namamalimos nang siya ay bigla nalamang dinampot ni Helen at sinabing may kakausap umano sa kanya.

Sinabi pa raw nito na sa bahay siya dinala ngunit nang kapain ni Lito ang paligid, alam niyang sa ibang lugar ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Iyon pala, ang kakarampot na napalimos ni Lito ang pakay ni Helen at nang hindi ito ibinigay ng kaawa-awang bulag, doon siya nagawang ihulog ng suspek at nagawa pang saktan.

Mabuti na lamang at may mga taong nagmalasakit siyang tulungan at napigilan din ang tangkang pagtakas ni Helen.

Nagtamo ng pilay at sugat si Lito dahil sa nagawa ng kakilala.

Kasalukuyan na raw itong nakakulong at haharap sa kasong frustrated hommicide at attempted robbery.

Nangako naman si Tulfo na magpapaabot ng tulong kay Lito upang hindi na raw ito mamalimos na sadyang mapanganib na para sa bulag.

"Ang saya-saya ni Lloyd," BFF ni Lloyd Cadena, ibinahagi ang panaginip

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isa namang kaawa-awang lolo ang natulungan ni Tulfo dahil sa pinagtulungan umano itong saktan ng nasa anim na lasing na lalaki.

Kahabag-habag ang tinamong mga sugat ng matanda dahilan para siya ay ma-ospital.

Maging ang isang matandang tanod na napagtulungan umanong saktan ng nasa pitong nag-iinom na mga beki ay natulungan ni Tulfo lalo pa at ang dahilan ng pananakit ng mga ito ay dahil sa sinaway sila ng tanod na ginagawa lamang ang kanyang trabaho.

Bukod sa pagiging isang mahusay na broadcaster, kilala si Tulfo sa agaran niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng kababayan nating naaapi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel