Jay Sonza, binabawi ang maaga niyang "pagbati" kina Julia Barretto at Gerald Anderson

Jay Sonza, binabawi ang maaga niyang "pagbati" kina Julia Barretto at Gerald Anderson

- Binabawi na raw ni ng dating broadcaster na si Jay Sonza ang pagbati niya sa sinsabi niyang nagdadalang tao na si Julia Barretto at ang ama raw nito ay si Gerald Anderson

- Ito ay isang araw matapos na maglabas si Sonza ng post tungkol umano sa kanyang kapitbahay na ang tinutukoy ay si Julia Barretto na magkasama raw noong buong panahon ng lockdown

- Agad na pinabulaanan nina Marjorie Barretto, Julia Barretto at maging ni Gerald Anderson ang naturang alegasyon

- Kapansin-pansin din na wala na naturang post ni Sonza na agad na pinagkaguluhan sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Jay Sonza, binabawi ang maaga niyang "pagbati" kina Julia Barretto at Gerald Anderson

Jay Sonza (Photo from Jay Sonza's Facebook)
Source: Facebook

Isang araw lamang ang lumipas ay agad nang binawi ng dating broadcaster na si Jay Sonza ang pasabog nitong nagdadalang tao si Julia Barretto at ang ama raw nito ay ang aktor na si Gerald Anderson.

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Nalaman ng KAMI na buong tapang na isiniwalat ni Sonza at pinangalanan ang young actress at ang aktor na ilang taon nang nali-link sa kanya na di umano'y magkasama sa panahong naka-lockdown ang Metro Manila.

Sa pinakabago niyang post, binabawi na raw niya ang maagang pagbati sa dalawa.

"May umamin kasi. Kaya nagalak ako."

"Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati."

"Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations."

"Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila," ang bahagi ng pinakabagong post ni Sonza.

Ilang oras matapos na pagkaguluhan sa social media ang kanyang rebelasyon, agad na pinabulaanan ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto na buntis ang anak.

Maging si Julia ay nagpost sa kanyang Instagram ng larawang nagpapakita ng kanyang tiyan at may caption na "Fake News:)"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Ganoon din si Gerald Anderson na nagsabi namang "Congratulations to me!" sa kanyan ring social media.

Kapansin-pansin din burado na ang kontrobersyal na post ni Sonza sa kanyang social media.

Nagkasama sa pelikulang "Between Maybes" sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Di nagtagal, umugong na ang balita na tila may namamagitan sa dalawa na siyang naging dahilan umano ng hiwalayan nina Gerald at dati nitong kasintahang si Bea Alonzo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lamang ay muli na namang nabuhay ang isyu sa dalawa matapos na mamataan ang isang babaeng mahaba ang buhok na nasa resort ni Gerald. Hinala ng marami na si Julia ang baabeng ito.

Maging ang sikat na showbiz columnist na si Lolit Solis ay nagsabing bigyan na lamang ng tsansa sina Julia at Gerald kung talagang nagmamahalan naman daw ang dalawang artista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel