Isang ina, humingi ng tulong matapos baklasin ng landlord ang bubong nila

Isang ina, humingi ng tulong matapos baklasin ng landlord ang bubong nila

- Isang ina ang humingi ng tulong matapos ipabaklas ng landlord nila ang bubong sa inuupahan nila

- Aniya, pwersahan daw silang pinapaalis ng landlord doon at kawawa naman ang mga apo niya

- Sa video nga ay humingi ng tulong ang ina kay Pangulong Rodrigo Duterte para hindi sila mapaalis

- Subalit, paliwanag naman ng landlord ay noong nakaraang taon pa nila pinapaalis ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang isang ina matapos baklasin umano ng landlord ang bubong ng inuupahan nila.

Nalaman ng KAMI na sapilitang pinapaalis ng landlord ang nangungupahang pamilya sa gitna ng pandemya.

Isang ina, humingi ng tulong matapos baklasin ng landlord ang bubong nila

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook video ng GMA Public Affairs, tila wala nang nagawa ang Pamilya Larido nang biglang ipabaklas ng may-ari ang bubong kung saan sila nangungupahan.

Noong nakaraang taon pa raw nakikiusap ang may-ari ng bahay na umalis ang Pamilya Larido dahil titira na raw rito ang anak niya.

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

Subalit, hindi pa rin nakakaalis ang pamilya rito. Kaya naman noong bigyan sila ng palugit at hindi nasunod ito ay pinatanggal na landlord ang bubong at ipapademolish na ang bahay.

Humingi naman ng tulong ang ina kay Pangulong Rodrigo Duterte. Maaalalang naki-usap si Pangulong Duterte na huwag paalisin ang mga taong hindi makakapagbayad ng renta ngayong may pandemya sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) noon na ang mga tenants ay may grace period kung sakaling hindi sila makakabayad ng upa ngayong may community quarantine pa rin sa bansa.

Noong nakaraan, isang buntis ang nag-viral matapos masapul sa video na tinanggalan din siya ng bubong at pinto ng landlady nila.

Kaya naman, umani ng simpatya mula sa mga netizens ang sinapit ng buntis. Depensa naman ng landlady, kailangan niya ng pera para maipagamot ang asawa niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel