Mister na nagpakasal sa 1 niyang kabit, biglang good boy kay idol

Mister na nagpakasal sa 1 niyang kabit, biglang good boy kay idol

- Natapos na ang siyam na taong pagdurusa ng isang OFW nang aksyunan ni idol Raffy Tulfo ang kanyang problema sa kanyang mister

- Ayon sa sumbong ng ginang na si Adela Palabay na ngayon ay nasa Saudi, ilang taon na siyang niloloko ng kanyang asawa

- Katunayan ay nagawa pa nga nitong magpakasal sa ibang babae at nagkaanak dito

- At kamakailan lang ay nahuli naman niya ito sa telepono habang kasama ang isa pa nitong kalaguyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Siyam na taon daw na nagdusa ang overseas Filipino worker (OFW) na si Adela Palabay sa panloloko ng kanyang mister na si Roberto Palabay.

Ngunit tinapos na ito ng ginang matapos niyang idulog ang problema sa pakikiapid ng asawa sa programa ng batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo.

Mister na nagpakasal sa 1 niyang kabit, biglang good boy kay idol

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa sumbong ni Adela na ngayon ay nasa Saudi, nagawa pang magpakasal ng kanyang mister sa ibang babae noong 2003 habang siya ay nasa ibang bansa at nagkaanak pa nga rito.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At kamakailan lang ay nahuli naman niya ito sa telepono habang kasama ang isa pa nitong kalaguyo na si "Rose", na matagal na raw nitong karelasyon ayon kay Adela.

Inamin naman ni Roberto ang lahat ng mga sinabi ng asawa at handa naman daw itong makulong kung hindi na mapatawad pa ng asawa.

Ngunit sa tulong ni idol Raffy ay nagkaroon ng pagkakataon na mag-ayos ang mag-asawa sa kondisyong hindi na pupuntahan pa o makikipagkita si Roberto sa kabit nitong si Rose.

Sa tulong ng programa ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawa sa kanilang barangay sa Pangasinan kung saan nangako si Roberto na siya ay mananatili nang tapat sa misis.

Bagamat hindi pa hilom ang mga sugat sa puso ni Adela ay handa naman itong bigyan ng pagkakataon ang asawa alang-alang sa kanilang tatlong anak.

Bulag, sinaktan at pilit nakawan ng napalimos ng taong kakilala niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan ay isang OFW din ang lumapit kay idol para ireklamo ang kanyang ex-BF na tinulungang nitong makalaya ngunit sa iba umano umuwi.

Samantala, isa naman magandang misis ang lumapit din kay idol kamakailan para ireklamo ang dating kinakasama na humihingi diumano ng kapalit bago magbigay ng sustento!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel