Marjorie Barretto, pinabulaanang buntis ang anak na si Julia Barretto

Marjorie Barretto, pinabulaanang buntis ang anak na si Julia Barretto

- Agad na nagbigay ng reaksyon si Marjorie Barretto kaugnay sa pasabog ni Jay Sonza na buntis di umano si Julia Barretto

- Sinabi ng dating broadcaster na magkasama umano sina Julia Barretto at Gerald Anderson buhat nang mag-lockdown ang ilang bahagi ng bansa

- Nagbiro pa umano ito sa maaring kasalang maganap sa pagitan ng mga kontrobersyal dating Kapamilya stars

- Taong 2018 pa nang mai-ugnay si Julia Barretto sa kontrobersyal na hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marjorie Barretto, pinabulaanang buntis ang anak na si Julia Barretto

Marjorie Barretto with Julia (Phot from Julia Barretto's Instagram)
Source: Instagram

Dumipensa agad si Marjorie Barretto patungkol sa bali-balitang buntis di umano ang anak niyang si Julia Barretto.

Nalaman ng KAMI na ang dating broadcaster na si Jay Sonza ang naglabas ng pasabog na ito.

Sa Facebook post ni Sonza, buong tapang na nilahad nitong magkasama umano si Julia at ang nali-link sa kanyang aktor na si Gerald Anderson buhat nang mag-lockdown.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Dahil dito, may nabuo di umano sa pagsasama ng dalawa at sinasabing nagdadalang tao ang young actress.

Sa ulat ng PhilStar, nagawa pang i-congratulate ng dating ABS-CBN broadcaster ang sinasabi niyang kapitbahay sa Quezon City na si Julia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panayam ng Star Magic sa ina ni Julia na si Marjorie, agad na pinabulaanan nito ang paratang sa anak.

"Definitely not true!" ang pahayag ni Marjorie kugnay sa isyu.

Samantala, sa mismong Instagram post ni Julia, naglabas din agad ito ng larawan na may caption na "Fake News."

Sa ulat ng Manila Bulletin, maraming fans ng aktres ang nabulabog at nagtanong kung totoo nga ba ang nababalita. Gayunpaman, sinabi nilang susuportahan pa rin nila ito sakaling nagdadalang tao nga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Taong 2018 nang nadawit ang pangalan Julia Barretto sa hiwalayan nina Bea Lonzo at Gerald Anderson.

Kamakailan, muling nanumbalik ang isyu lalo nang nag sabihin ng kilalang kolumnista na si Lolit Solis na kung nagmamahalan nga sina Julia at Gerald at mabigyan na lamang sana sila ng pagkakataon.

Mas lalong nabuhay ang isyu sa dalawa nang mamataan ang isang babae sa resort ni Gerald na sinasabing si Julia.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel