It's Showtime, mapapanood na sa Zoe TV simula October 10

It's Showtime, mapapanood na sa Zoe TV simula October 10

- Kumpirmado nang mapapanood ang It's Showtime sa free TV ngayong October 10

- Ito ay matapos magpahaging si Vice Ganda tungkol sa muling pagbabalik ng It's Showtime sa telebisyon

- Mapapanood ang It's Showtime sa Zoe TV gayundin ang ASAP Natin To simula ngayong October 10 at 11

- Marami sa mga tagasubaybay ng Kapamilya network ang nagdiwang sa balitang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling mapapanood sa free TV channel ang ilang palabas ng ABS-CBN kagaya ng It's Showtime at Asap Natin To.

Sa pamamagitan ng Zoe TV, maaring mapanuod ang noontime show. Ang Zoe ang television station na pag-aari ng Jesus Is Lord Church na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

Matatandaang naging usap-usapan ang pahayag ni Vice Ganda na "Better Days are Coming." Dahil sa kanyang sinabi, marami ang naintriga at napaisip kung tuluyan na nga bang magbabalik ang ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Maging ang direktor na si Jojo Saguin ay ipinagbunyi ang partnership ng ABS-CBN at ng Zoe TV na naging daan sa muling pagbabalik sa ere ng ilang Kapamilya Shows.

Sa Twitter, kinumpirma ni Saguin ang balita.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang naunang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa tuluyang pagpapasara ng nasabing TV network.

It's Showtime, mapapanood na sa Zoe TV simula October 10

Photo by Lisa Marie David/NurPhoto via Getty Images
Source: Getty Images

Matatandaang marami na sa mga empleyado ng TV network ang nakasama sa mga kailangang tanggalin bunsod ng pagpapasara nito matapos ibasura ang franchise renewal.

WinWyn Marquez, sinupalpal ang mga netizens na nang-okray sa kanyang katawan

Kaya naman marami ang naghayag ng kanilang kasiyahan sa posibilidad ng muling pagbabalik sa ere ng ABS-CBN. Maging ang showbiz writer na si Lolit Solis ay natuwa sa balitang ito.

Unang lumabas ang balita tungkol dito nang tila nagpahaging si Vice Ganda tungkol sa magandang balita. Hindi din niya matago ang kanyang excitement nang sabihin niyang Better Days are Coming.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel