Ogie Diaz, diretsahang ibinahagi ang kanyang mensahe kay Alfred Vargas

Ogie Diaz, diretsahang ibinahagi ang kanyang mensahe kay Alfred Vargas

- Isang matapang na pahayag ang ibinahagi ni Ogie Diaz para kay Alfred Vargas kaugnay sa pag-abstain nitong bomoto sa franchise renewal ng ABS-CBN

- Ito ay matapos magpasa ng Bill sa Kongreso ni Alfred na naglalayong magtayo ng Centralized Film Office sa bansa

- Nakakatiyak umano si Alfred na mag ge-generate ng trabaho sa mga Pinoy ang nasabing panukala nyang batas

- Sagot naman ni Ogie, napaka inconsistent ng stand ni Alfred Vargaz pagdating sa umano'y nais nyang dagdag trabaho sa mga pinoy matapos mawalan ng trabaho ang mga ABS-CBN employees

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang prangkang opinyon ang ibinahagi ng batikang Showbiz Columnist at sikat na Showbiz Manager na si Ogie Diaz.

Kaugnay ito sa panukalang batas na ipinasa umano ni Alfred Vargas sa Kongreso na naglalayong magtayo ng Centralized Film Office sa bansa upang maka engganyo ng mga Film Makers na mag shoot dito sa ating bansa.

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

Sa kanyang YouTube video, tinalakay ni Ogie kasama ang isa pang kasama niyang nagpakilala bilang si Mama Loi ang ilan sa maiinit na usapin ngayon.

Sa nasabing Bill ay naglalayon umanong mabigyan ng Incentives ang Foreign Film Makers na nanaising mag shoot ng kanilang pelikula sa Pilipinas.

Ito umano ay makakapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pinoy ayon kay Alfred.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dito naman tila umalma si Ogie dahil tila taliwas ito sa naging aksyon ni Alfred kaugnay sa pag abstain niya sa pagboto para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Ogie Diaz, diretsahang ibinahagi ang kanyang mensahe kay Alfred Vargas

Photo from Facebook: Ogie Diaz
Source: Facebook

Ang kanyang dahilan sa hindi pagboto ay dahil galing din umano siya sa showbiz at magiging conflict of interest kapag bumuto siya.

Ani Ogie, kung nais daw ni Alfred maghatid ng trabaho sa nakararaming Filipino ay bakit tila naging tikom ang bibig nya pagdating sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN na tuluyan ng nawalan ng trabaho matapos na hindi ito nakakuha ng prangkisa.

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

"Wag na tayong mag echosan pa Alfred, natulungan ka rin naman ng ABS-CBN, kaya nga lang nung nag desisyon kang mag Abstain e either wala kang pakialam o ayaw mo lang madamay, sabi nga ni Manay Lolit kung sa pula ka sa pula ka, kung sa puti e di sa puti, dapat bumoto ka at panindigan mo," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Matatandaang inalmahan niya ang panlalait ni Atty. Topacio kay Angel Locsin kaugnay sa katawan nito. Nagsalita din siya laban sa ilang konggresistang nagplanong i-take over ang ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel