Napakagandang winter wedding, natuloy sa kabila ng banta ng COVID-19

Napakagandang winter wedding, natuloy sa kabila ng banta ng COVID-19

- Ibinahagi ng bride ang napakagandang winter wedding nila na ginanap noong Marso

- Kahit sila lamang mag-asawa ang lumipad sa Georgia, naging makabuluhan ang kinalabasan ng kanilang winter wedding

- Kitang-kita ang snow sa paligid kung saan ginanap ang elegante at nakamamanghang pag-iisang dibdib

- Wala mang mga bisita at magarbong handaan, ang mahalaga ay naisakatuparan nila ang kasalang ipinagdasal sa kabila ng banta ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napakagandang winter wedding, ginanap sa kabila ng banta ng COVID-19

Bride at Groom (Photo from Gloriebella Dos' Facebook)
Source: Facebook

Marami ang napa-wow sa post ni Gloriebella Dos kung saan ibinahagi niya ang pag-iisang dibdib nila na ginanap sa Georgia.

Nalaman ng KAMI na naganap ito noong Marso ng kasalukuyang taon kung kailangan nagsisimulang lumaganap ang COVID-19 sa mundo.

Ngunit dala ng matinding dasal at tiwala na maisasakatuparan ang kasalan, nakalipad pa sina Gloriebella at noo'y fiance' pa lamang nito na si Mark.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Napakaganda at nakakamanghang tingnan ng kanilang mga larawan lalo na at napapalibutan sila ng snow.

March 18 ang eksakto petsa ng kanilang pag-iisang dibdib. Kumuha lamang sila ng wedding planner sa Georgia at naging maayos naman ang lahat ng kanilang ninais sa kasal.

Ang nagpa-wow pa lalo sa mga netizens ay ang lokasyon ng mismong seremonya na ginanap sa kabundukan ng Gudauri.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Lahat ng makikita sa kanilang wedding photos at video ay kaaya-ayang tingnan.

Bakas sa dalawa ang labis na kasiyahang napagtagumpayan nilang ikasal sa gitna ng noo;y nagbabadya pa lamang na pandemya.

"Do not let society dictate how you should spend one of the most important days of your life.At the end of the day, its all about you, your partner and your commitment to each other that matters," pahayag pa ng bride.

Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong

"Despite all the setbacks we encountered this 2020 — global pandemic, cancelled flights, lockdown and out of work — my husband and I remain grateful," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad nina Gloriebella at kanya na ngayong mister, marami ring mga magkasintahang di nagpatinag sa pandemya at itinuloy ang pag-iisang dibdib.

Mayroong gumamit ng Zoom app upang makita ng mga mahal nila sa buhay ang kanilang kasalan kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga bahay lamang.

Mayroon din naman na matapos ang kasalan ay wala nang handaan at minabuting mag-donate na lamang ng PPE at grocery items sa mga frontliners.

Gaya ng nabanggit ni Gloriebella, ang mahalaga at napagtibay ng nagmamahalan ang kanilang pagsasama dahil sa kasalan gaano pa man ito kasimple.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel