Sherilyn Reyes, pinagtanggol ang anak sa basher na nang-insulto sa kanilang mag-ina

Sherilyn Reyes, pinagtanggol ang anak sa basher na nang-insulto sa kanilang mag-ina

- Ipinagtanggol ni ng dating aktres na si Sherilyn Reyes-Tan ang pang-iinsulto ng isang basher sa kanyang anak na si Ryle Santiago

- Tinawag ng basher na papansin at feeling sikat ang anak ni Sherilyn matapos umano nitong makita ito sa isang mall na nakasuot ng shades

- Maging si Sherilyn ay hindi nakaligtas sa pang-iinsulto ng basher dahil maging siya ay tinawag na laos

- Inamin naman ni Sherilyn ang suliraning pampinasiyal nila matapos silang maloko sa kanilang negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dating aktres na si Sherilyn Reyes-Tan ang kanyang saloobin matapos pagsalitaan ng masasakit na salita ng isang basher ang kanyang anak na si Ryle Santiago.

Ayon sa basher, nakita niya sa mall si Ryle at papansin daw ito at feeling sikat.

Pinaliwanag ni Sherilyn na hindi nakasuot ng shades kundi tinted face shield ang anak niya. Sinagot din ng aktres ang patutsada nitong panay raket sila at wala umanong ipon.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

"Panay raket kami, OO SALAMAT SA DIYOS, sa panahon na ito, madaming raket na dumadating. WALA KAMING PERA, totoo rin! " ani Sherilyn.

Sherilyn Reyes, pinagtanggol ang anak sa basher na nang-insulto sa kanilang mag-ina

Photo from Instagram: hashtag_ryle
Source: Instagram

Ibinunyag niyang naloko sila matapos itakbo ang malaking halaga ng pera.

Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin. Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng masasakit na sinabi ng basher, ipinagdasal daw ito ni Sherilyn dahil halatang hindi umano ito masaya.

Si Sherilyn Reyes-Tan ay isang aktres na nakilala noong dekada 90. Si Ryle Santiago o Ryle Paolo Sebastian Reyes Santiago sa tunay na buhay ay nakilala matapos maging bahagi ng all-male group na Hashtags na dating napapanood sa noontime show na It's Showtime. Bukod sa husay sa pagsayaw, isa din siyang mang-aawit at aktor. Siya ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan sa kapatid nina Rowell at Randy na si Junjun Santiago.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kasabay ng paglaganap ng paggamit ng social media, marami sa mga artista ang nagiging biktima ng mga pang-iinsulto at panghahamak ng mga bashers. Ilan sa mga kilalang artista na hindi pinapalampas ang mga bashers ay sina Bela Padilla, Pokwang, Franki Pangilinan at marami pang iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel