57-anyos na lola, kinagiliwan ng netizens sa husay sa pagsayaw sa mga TikTok dance challenge

57-anyos na lola, kinagiliwan ng netizens sa husay sa pagsayaw sa mga TikTok dance challenge

- Kinagiliwan at kinabiliban ang mga dance moves ng isang 57-anyos na lola sa social media

- Bukod sa husay nito sa pagsayaw, marami din ang humanga sa pagpapanatili nito sa kanyang katawan sa kabila ng kanyang edad

- Ang 57-anyos na unti-unting sumisikat sa TikTok ay may apat na anak at isang apo

- Umani ng papuri ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya ng mga nauusong dance challenge sa mga kabataan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinabiliban ng mga netizens ang isang 57-anyos na lola dahil sa husay nito sa pagsayaw. Hindi lang basta-basta ang kanyang sayaw dahil kayang-kaya niya makipagsabayan sa mga kabataan.

Sinayaw niya ang ilang mga nauusong TikTok dance challenge at maliksi pa rin ang kanyang galaw.

Ang cool na cool na lola ay si Teresita Benito Embuscado. Mayroong apat na anak at isang apo.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Bukod sa mga videos na kinagiliwan sa Facebook, umani din ng libo-libong views ang kanyang mga videos sa TikTok.

57-anyos na lola, kinagiliwan ng netizens sa husay sa pagsayaw sa mga tiktok dance challenge

Photo from Teresita Benito Embuscado/Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan din dati ang kanyang mga dance challenge kagaya ng "Chinita Girl," "Tala," at marami pang iba.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

She looks amazing at her age and she's so beautiful and the body, wow!...Keep it up so proud of u!
Malabo na yata ang mata ko kasi hindi naman lola ang tingin ko sa kanya ang galing sumayaw eh hindi tulad ng iba mahalay tingnan kapag ganyan ang sayaw
Ang galing galing nyo po madam hindi po halatang lola na kayo ..I wish I can be like you if ever I'm in your age na! God bless po and keep it up ...we are so proud of you
Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

57-anyos na lola, kinagiliwan ng netizens sa husay sa pagsayaw sa mga tiktok dance challenge

Photo by Jaap Arriens/NurPhoto via Getty Images
Source: Getty Images

Sa kasalukuyang sitwasyon kung saan limitado ang galaw ng tao, limitado din ang nagagawang mga aktibidad at lugar na napupuntahan kaya hindi nakapagtataka na lalong naging patok ang mga online apps kagaya na lamang ng TikTok.

Maging ang mga artista at iba pang sikat na personalidad ay nakahiligan na rin ang nasabing mobile app kagaya na lamang ni Dr. Vicki Belo at Sofia Andres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel