Taxi driver na vlogger, umabot sa 10K ang subsbribers dahil sa mga pasahero

Taxi driver na vlogger, umabot sa 10K ang subsbribers dahil sa mga pasahero

- Viral ang post ng isang pasahero tungkol sa taxi driver na isa pa lang vlogger

- Inimbitahan umano siya nito na mag-subscribe sa kanyang channel

- Nasa 1,000 na raw umano ang followers niya sa YouTube at nais pa raw niya itong madagdagan

- Dahil dito, maging ang mga nakakita ng post ay nagsubscribe na sa channel ng driver kaya umabot na ito sa 10,000 makalipas lamang ang ilang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taxi driver na vlogger, umabot sa 10K ang subsbribers dahil sa mga pasahero

Taxi (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isang taxi driver ang masayang iniimbita ang kanyang mga pasahero na magsubscribe sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na isa pa lang vlogger ang taxi driver at totoong may YouTube ito na DVC channel.

Ibinahagi ng isa sa mga naging pasahero niya na si Chase Alada ang nakakatuwang pang-iimbita ng taxi driver para umano dumami ang kanyang subscribers.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

Kwento pa ng taxi driver na si Danny Calleja, mayroon na siya noong 1,000 subscribers.

Ipinakita pa umano nito ang "spelling" ng kanyang channel upang di maligaw sa pag-subscribe ang kanyang pasahero.

Iginawa raw siya ng kanyang anak ng channel para raw siya ay masiyahan at hindi ma-bore sa kanyang pamamasada.

Sa tuwa ng pasahero, agad siyang nag-subscribe sa channel ng driver.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Mapapansin sa screenshot ni Chase na nasa 1,000 pa lang noon ang subrscribers ni Manong Danny.

Ngunit dahil marahil sa viral post ng kanyang pasahero, pumalo na sa 10,000 ang subscribers niya.

Hinimok din kasi ni Chase ang mga nakabasa ng kanyang post na mag-subscribe sa taxi driver.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami-rami na ang mga Pinoy na pumapasok sa mundo ng vlogging dahil sa maari rin itong pagkakitaan.

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

Maging ang mga kilalang artista ay mayroon ding mga YouTube Channel na isa rin sa mga nagbibigay sa kanila ng ikabubuhay.

Ito rin ang nagsisilbing aliwan ng ilang mga taong sumusubaybay sa kanila lalo na kung ang content o nilalaman ng kanilang vlog ay pawang mga nakaka-good vibes at nakatatanggal ng problema.

Kaya naman marami ang nanghinahayang sa maagang pagpanaw ng isa sa mga pioneer at batikang vlogger ng bansa na si Lloyd Cadena o mas kilala bilang si Kween LC.

Si Kween LC kasi ay isang kilalang komedyante sa YouTube na nagbibigay kasiyahan sa kanyang mga subscribers.

Bukod sa sayang naibibigay niya sa mga tagasubaybay, kilala rin siya sa pagtulong sa kapwa na kanyang nagawa sa maging sa huling mga araw ng kanyang buhay.

Pumanaw si Lloyd noong Setyembre 4 habang nasa ospital dahil sa COVID-19 at inatake sa sa puso habang natutulog.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel