Amang nag-barter ng manok kapalit ng gadget para sa online class ng anak, na-scam

Amang nag-barter ng manok kapalit ng gadget para sa online class ng anak, na-scam

- Muling nag-viral si Rommel Enriquez matapos na mabiktima naman di umano siya ng scam

- Una siyang nakilala bilang ama na nag-barter ng manok kapalit ang gadget para sa online class ng anak

- Di niya namamalayan na unti-unti na pala niyang naibibigay ang kanyang impormasyon tungkol sa kanyang GCash

- Inakala niya kasing may papasok nga sa kanyang pera at upang mas mapadali ang 'cash out' nito, di sinasadyang naibigay niya ang pin sa mga nanloko sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Amang nag-barter ng manok kapalit ng gadget para sa online class ng anak, na-scam

Photo (from Pikist)
Source: UGC

Nakababahala ang nangyari sa netizen na si Rommel Enriquez na biktima umano ng scam gamit lamang ang kanyang messenger.

Nalaman ng KAMI na si Rommel ang minsan nang nag-viral na ama na manok ang ibinabarter kapalit ng gadget na magagamit ng kanyang anak para raw sa online class.

Sa kanyang Facebook na may pangalan Lemur Enriquez, ipinaalam niya sa publiko kung paano siya naloko ng dalawang babaeng inalam ang detalye tungkol sa kanyang GCash.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Iyong benta umano niya sa munting negosyo na pagtitinda ng kuneho, nalimas ng mga babaeng ito. Una raw na may magpadala sa kanya ng mensahe na may pumasok umanong ayuda sa kanyang GCash account.

Sa pag-aakalang meron ngang pumasok na pera, di ito nagatubiling sagutin ang isa na namang mensahe na nagsasabing maica-cashout agad ito kung ibibigay ni Rommel ang detalye ng kanyang account.

Bukod sa callphone number ang uri ng ID na ginamit sa GCash, hindi namalayan ni Rommel na naibigay umano niya ang pin nito.

Hanggang sa nagulat na lamang umano siya na imbis na madagdagan ang laman ng kanyang account ay nalimas pa ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At dumating na nga ang mga text confirmation kung saan nagamit ang kanyang account sa iba't ibang transaksyon.

Nanlumo ang si Rommel dahil sa pambayad niya umano ang laman ng GCash sa mga trabahador ng munting negosyo.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Magsilbing aral nawa ang nangyaring ito kay Rommel lalo na at madalas naman ang paalala ng mga online money transactions na huwag ibibigay kaninoman ang kanilang pin.

Si Rommel ay isang butihing ama na nagsisikap na itaguyod ang pamilya at maisabay ang anak sa online class na magbubukas sa darating na Oktubre.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at may modules naman, nais pa rin niyang ipasok sa online class ang anak dahil aminado siyang hindi nila basta ito matututukan ng kanyang asawa kaya mainam na maipaliwanag pa rin ng guro ang kanilang gagawin sa pamamagitan ng video conferencing.

Tila walang makapipigil pa sa DepEd sa pagsusulong ng pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 sa mga pampublikong paaralan kaya naman marami nang mga magulang at estudyanteng naghahanda para rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel