Jackie Gonzaga, sinupalpal ang mga netizens na kumuwestiyon sa relationship status nya

Jackie Gonzaga, sinupalpal ang mga netizens na kumuwestiyon sa relationship status nya

- Hindi pinalampas ni Jackie Gonzaga ang ilang netizens na kumuwestiyon sa kanyang relationship status

- Ito ay kaugnay sa kanyang pagturing sa sarili bilang single dahil hindi pa naman umano siya kasal

- Ilang netizens ang nagkomento hinggil dito at dapat daw ay in a relationship ang status ni Jackie

- Ayon kay Jackie, hindi naman lingid sa kaalamn ng publiko ang kanyang relasyon kay Tom Doromal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Jackie Gonzaga ang mga komento ng ilang netizens hinggil sa kanyang relationship status. Ito ay matapos umanong magtaas ng kamay ni Jackie nang tanungin ni Vice Ganda kung sino ang mga single habang nasa show na It's Showtime.

Kasunod nito, nagbahagi siya ng isang tiktok video kung saan makikitang sumasayaw sila ng kanyang nobyong si Tom Doromal.

Dito na lumabas ang ilang komento tungkol sa pagkuwestiyon ng iilan sa naging tugon ni Jackie sa tanong ni Vice Ganda.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

Paliwanang naman ni Jackie, ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa civil status kaya niya nasabing single siya. Dagdag pa niya, hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang tungkol sa relasyon nila ng Hashtags member na si Tom Doromal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakasama ni Jackie si Tom sa kanyang YouTube vlog at hindi nila itinatago sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Jackie Gonzaga, sinupalpal ang mga netizens na kumuwestiyon sa relationship status nya

Jackie Gonzaga (Photo from Instagram: jackiegirlg)
Source: Instagram

Si Jackie Gonzaga ay nakilala sa bansag na Ate Girl matapos niyang sumikat bilang isa sa mga dancers sa It's Showtime. Unti-unti siyang nakilala at nagkaroon ng maraming oportunidad sa mundo ng showbiz kagaya ng mga shows sa iba't-ibang lugar at mga endorsement.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nakakasama din siya sa mga out of the country show ni Vice Ganda kasama si Ion Perez kaya isa siya sa nakakasaksi sa relasyon nina Vice at Ion. Ibinahagi niya ang ilang detalye ng relasyon ng dalawa kamakailan.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Sa kanyang pagsikat, unti-unti na rin siyang nasasangkot sa mga intriga kabilang na ang kanyang personal na buhay. Gayunpaman, lagi niyang sinasabi kung gaano niya ipinagmamalaki kanyang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel