10 toneladang gulay na donasyon ng natulungan ni Tulfo, naipamahagi na sa QC

10 toneladang gulay na donasyon ng natulungan ni Tulfo, naipamahagi na sa QC

- Isang dating naging complainant at natulungan ng programa ni Raffy Tulfo ang nagbigay ng donasyong gulay

-Nagkaroon ng farm ang dating dumulog sa programa ni Tulfo kaya naman ngayong dumaranas sa krisis dala ng COVID-19 ang karamihan sa atin, naisipan niyang magbahagi ng biyaya

- Sa pamamagitan muli ng programa ni Tulfo, nabigyan ng nasa 10,000 kilo na gulay ang mga pamilya sa Brgy. Commonwealth at Bargy. Payatas sa Quezon City

- Labis na nagpapasalamat at mga barangay captain sa QC dahil napakaraming pamilya raw sa kanilang barangay ang nagugutom at malaking tulong ang mga gulay na ipinamahagi sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

10 toneladang gulay na donasyon ng natulungan ni Tulfo, naipamahagi na sa QC

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Naipamahagi na ng programa ni Raffy Tulfo ang tone-toneladang gulay na ibinahagi ng dati nilang naging comlainant at natulungang maaksyunan ang hinaing.

Nalaman ng KAMI na ito ay si George Punasen na mayroon nang sariling taniman ng gulay.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Naisipan daw niyang ibalik ang kabutihang natanggap mula kay Tulfo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga inaning gulay.

Ang nakamamangha pa rito, 10,000 kilo ng mga replyo at sayote ang pinadala ni Punasen kaya naman napuno halos ang isang 10-wheeler truck sa dami ng mga ito.

Nilinaw ni Raffy Tulfo na hindi sa kanila mapupunta ang mga ito kundi sa mga residente ng Brgy. Commonwealth at Brgy. Payatas sa Quezon City.

At kamakailan ay ipinakita ng Raffy Tulfo in Action ang matagumpay na pamamahagi ng mga gulay sa mga masuswerteng mamamayan ng nasabing lungsod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pagdating ng trak ng gulay, agad na sinalubong sila ng mga opisyales ng barangay upang mai-repack at mas maging maayos ang pamamahagi sa bawat pamilyang pagbibigyan nito.

5,000 ang pinaghati-hatian ng mga pamilya sa Brgy. Commonwealth ganun din sa Brgy. Payatas.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Labis-labis ang pasasalamat ng mga residente roon sa natanggap na biyaya at malaking bagay umano sa kanila na mayroon silang gulay na mai-hahain sa kanilang hapag-kainan.

Maging ang mga Kapitan ng dalawang barangay ay umaapaw ang pasasalamat kay Raffy Tulfo at lalo na sa nagbigay sa kanila ng gulay na si George Punasen.

Sa dinami-rami nga naman kasi ng barangay, sa kanila pa ang napili. Napakalaking tulong na rin daw nito sa kanila lalo na at marami sa kanilang kabarangay ang labis na naghihikahos dulot ng pandemya.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Raffy Tulfo ay nagulat sa ginawang pamimigay ng gulay ni George Punasen. Hinangaan niya ito sa kabutihan ng pusong ipinakita sa pamamagitan ng pamimigay ng mga gulay sa mga taong alam niyang higit na nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Ngayong siya ay nakaraos sa mga pagsubok at nakatatamasa ng ginhawa, hindi siya nakalimot na ibahagi ito mga kababayan niyang dumadaing ng gutom.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel