Chito Miranda, naghagilap ng gagamba para sa anak na si Miggy

Chito Miranda, naghagilap ng gagamba para sa anak na si Miggy

- Ibinahagi ni Chito Miranda ang kakatuwang bonding moment nila ng kanyang anak na si Miggy

- Natawa siya sa anak na pinaglalaban umano ang gagambang bahay ngunit hindi naman umano ito nagpapatayan at sasaputan

- Kaya naman, minabuti niyang maghanap ng gagamba sa labas ng kanilang bahay nang gabi ayon na rin sa payo ng mga netizens

- Tagumpay na nakahanap siya ng dalawang gagamba at natuwa umano ang anak niya nang makitang naglalaban ang mga gagamba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naka-relate at napa-throwback sa ibinahagi ni Chito Miranda sa Twitter. Makikita sa isang litrato na may hawak na tingting ang anak niyang si Miggy.

Dalawang gagambang bahay naman ang nakakapit sa hawak niyang tingting. Ayon kay Chito, pinaglaban ni Miggy ang dalawang gagambang bahay.

Hindi kagaya ng gagambang nakikita sa mga halaman sa labas ng bahay, hindi agresibo sa pakikipag-away ang gagambang bahay kaya hindi sila nagkasaputan.

Rhian Ramos, nagbahagi ng panibagong litrato matapos aminin ang heartbreak

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos makakuha ng tips sa mga netizens, minabuti ni Chito na maghanap ng gagamba sa labas ng kanilang bahay ng gabi kung kailan sinasabing mas madaling makahuli ng gagamba dahil madilim.

Matagumpay na nakakuha ng gagamba si Chito at ibinahagi niya rin ang isang maiksing video kung saan makikitang nakasapot na ang isang gagamba habang bakas sa mukha ng anak ang tuwa.

Marami naman ang naka-relate sa naging bonding na ito ng mag-ama dahil isa sa naging libangan ng mga kabataan noon ang pagpapalaban ng mga gagamba. Gayunpaman, dahil sa makabagong teknolohiya, bihira lamang sa mga kabataan sa kasalukuyan ang nakakaranas ng ganitong uri ng libangan,

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Chito Miranda, naghagilap ng gagamba para sa anak na si Miggy

Photo from Chito Miranda's Instagram account
Source: Instagram

Si Alfonso "Chito" Y. Miranda Jr. ay isang Filipino singer-songwriter. Sumikat siya bilang isa sa founding members at lead singer ng bandang Parokya ni Edgar.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Kamakailan ay hindi napigilang magsalita ni Chito matapos siyang i-tag ng ilang beses sa isang picture nina Janella Salvador at Markus Paterson dahil sa pagkakahawig umano nito sa isang lalaking makikita sa billboard sa nasabing picture.

Naglabas din siya ng saloobin hinggil sa naging rap performance ni Michael Pacquiao matapos itong maging kontrobersiyal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel