Derek Ramsay, pinagdadasal na sa kasalan sila humantong ni Andrea Torres

Derek Ramsay, pinagdadasal na sa kasalan sila humantong ni Andrea Torres

- Nilinaw ni Derek Ramsay kung bakit niya tinawag na "our home" ang bagong bahay niya kamakailan

- Ito kasi ang naging ugat ng mga spekulasyon na nagsasama na sa isang bubong ang magkasintahan

- Ayon kay Derek, bukas ang kanyang bahay para kay Andrea at sa pamilya nito kaya niya sinabing bahay nila iyon

- Ibinunyag naman ni Derek na pinagdadasal niyang sa kasalan na humantong ang kanilang pagsasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang paglabas ng haka-hakang magkasama na sila sa isang bubong, ipinaliwanag ni Derek Ramsay kung bakit niya tinawag na "our house" ang bago niyang bahay. Ayon sa kanya, bukas ang bahay na iyon para kina Andrea at sa pamilya nito.

“I’ve opened up my doors because they are now part of my family. That’s why I say it’s our house,” ani Derek sa isang panayam ng 24 Oras nitong Biyernes, September 18, 2020.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Hindi pa man sila naging magkarelasyon ni Andrea ay naumpisahan na umano ang pagpapatayo ng bahay bilang paghahanda ng aktor sa "next chapter" umano ng kanyang buhay.

“It was in the middle of the whole process na ginagawa ko itong bahay na ito. There were lots of things that were changed because she was in my life now. This is for my future. This is for our future. Itodo na natin ito,” pagsasalaysay niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado ang aktor na ibang klase ang kanilang relasyon at dalangin niyang sa kasalan na sila humantong sa susunod na mga taon.

“I’m praying na sana mapunta na ito sa kasalan. Siguro in the next two years, it has to happen.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan
Derek Ramsay, pinagdadasal na sa kasalan sila humantong ni Andrea Torres

Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Si Andrea Torres o Andrea Elizabeth Eugenio Torres sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, host, dancer, underwear designer, at commercial model. Isa siya sa mga pinakahinahangaang leading lady ng Kapuso network at isang exclusive contract artist ng GMA Network.

Kamakailan, naitanong sa kanyang kasintahang si Andrea kung buntis siya at sumagot naman ang Kapuso actress. Sinurpresa naman ni Andrea si Derek para sa kanyang ika 43 na kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel