Andrea Torres, pinabulaanang nagli-live in na sila ni Derek Ramsay

Andrea Torres, pinabulaanang nagli-live in na sila ni Derek Ramsay

- Mariing pinabulaanan ni Andrea Torres na magkasama na sila ni Derek na naninirahan sa isang bahay

- Lumabas ang nasabing mga usap-usapan matapos mapanood ng netizens ang home tour vlog ni Derek kung saan kasama niya ang kasintahan

- Tinawag niyang "our home" ang bago niyang bahay kaya marami ang napaisip na nagsasama na sila sa isang bubong

- Ayon kay Andrea, naniniwala siyang mahalagang may basbas muna ng Diyos bago sila magsama sa iisang bubong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang espekulasyon na nagli-live-in na sina Andrea Torres at Derek Ramsay, mariing pinasinungalingan ng aktres ang mga haka-haka.

Lumabas ang nasabing mga usap-usapan matapos mapanood ng netizens ang home tour vlog ni Derek kung saan kasama niya ang kasintahan

Mahalaga umano sa kanya na bago sila magsama sa iisang bubong ay may basbas ang kanilang pagsasama mula sa Panginoon.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Naniniwala siyang mahalang magpakasal muna sila. Gayunpaman, nilinaw niyang nirerespeto niya ang mga magkasintahan anuman ang estado nila.

“I respect yung mga nagli-live in. Pero sa sarili ko lang na paniniwala, gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama talaga sa isang bahay,” ani Andrea sa isang panayam ng 24 Oras nitong Biyernes, September 18, 2020.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado ang aktres na madalas silang magkasama ng nobyo. Palagi umano siyang pumapasyal maging sa tahanan ng magulang ni Derek tuwing weekends.

Andrea Torres, pinabulaanang nagli-live in na sila ni Derek Ramsay

Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Si Andrea Torres o Andrea Elizabeth Eugenio Torres sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, host, dancer, underwear designer, at commercial model. Isa siya sa mga pinakahinahangaang leading lady ng Kapuso network at isang exclusive contract artist ng GMA Network.

Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan, naitanong sa kanyang kasintahang si Andrea kung buntis siya at sumagot naman ang Kapuso actress. Sinurpresa naman ni Andrea si Derek para sa kanyang ika 43 na kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel