John Regala, emosyonal sa pagkikita nila ng nagpakilalang anak

John Regala, emosyonal sa pagkikita nila ng nagpakilalang anak

- Naging madamdamin ang pagtatagpo nina John Regala at nagpakilalang anak nito na si John Santos

- Kahit negatibo ang naging resulta ng DNA test sa dalawa, buong puso pa ring tinanggap ni Regala si Santos

- Isa si Santos sa mga sumurpresa kay Regala sa kanyang kaarawan kamakailan

- Labis-labis ang pasasalamat niya kay Santos na sa tagal ng panahon, nagawa siyang mahalin at ipagmalaki kahit hindi niya pala ito tunay na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala, emosyonal sa pagkikita nila ng nagpakilalang anak

John Regala (Photo from John Regala's Facebook)
Source: Facebook

Emosyonal ang pagkikita ng action star na si John Regala at nagpakilalang anak nito na si John Santos.

Nalaman ng KAMI na bagaman at negatibo ang DNA test na isinagawa sa kanila, buong puso pa ring tinatanggap ni Regala si Santos bilang kanyang anak.

Sa episode ng Raffy Tulfo in Action, ibinahagi ang pagkikita nina Regala at Santos sa mismong birthday celebration ng action star na ipinangako ng kanyang Idol Raffy sa kanya.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Nang hindi pa ipinaaalam kay Regala na naroon si Santos, nabanggit nitong nais niyang makuha ang number ng nagpakilalang anak upang ito ay kanya manlang makausap.

Kaya naman nasurpresa siya talaga nang makitang si Santos pa mismo ang may dala ng kanyang cake.

Hindi naiwasang maging emosyonal ng dalawa sa kauna-unahang pagkakataon.

Aminado kasi si Santos na nasaktan siya sa kinalabasan ng resulta ng DNA test dahil buong pag-aakala niyang ama niya si Regala base sa impormasyong ibinigay sa kanya ng ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinaliwanag naman ni Regala na kahit hindi nga niya tunay na anak si Santos, tanggap pa rin niya ito ay handa siyang punan ang pagkukulang ng ama na hindi pa nito nakikilala.

Dahil dito, "tatay" pa rin daw ang itatawag niya sa action star na bukas daw ang tahanan para sa kanya.

Super Tekla, ikinuwento ang karanasan na matulog sa ilalim ng tulay

Naikwento rin ni Regala na mayroon naman daw talaga siyang mga kinupkop at itinuring na anak. Ikatlo na raw si Santos sa mga ito.

Pinasalamatan din ni Regala ang nagpakilalang anak na sa matagal na panahon ay nagawa siyang mahalin at hangaan kahit hindi naman niya pala ito tunay na ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si John Regala ay isa sa mga kilalang action star ng bansa. Kamakailan ay naging kontrobersyal ang kanyang kalagayan nang mag-viral ang larawan nitong kuha sa Pasay City at humihingi ng tulong.

Matapos na makaagaw ng pansin ang post patungkol sa kanya, dinagsa na siya ng tulong at isa na rito ang tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel