Lalaking pilit na inaayos ang sirang bike, ibinida ang mga natanggap na biyaya

Lalaking pilit na inaayos ang sirang bike, ibinida ang mga natanggap na biyaya

- Matapos na mag-viral, sunod sunod na ang biyayang natanggap ng lalaking pilit na inaayos ang sira-sirang bike

- Inakala niyang isa o dalawang beses lang siya makatatanggap ng biyaya subalit patuloy pa rin ang dating ng mga ito

- Nabiyan na rin siya ng bagong bisikleta at mga grocery items para sa kanyang pamilya

- Nakatanggap din siya ng tulong pinansyal na ipinadadaan sa nagmalasakit na uploader ng kanyang larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking pilit na inaayos ang sirang, nagpasalamat sa mga biyayang natanggap

Si Mang Jhonny ang ang kanyang bagong bike (Photo from Roswel Placigo's Facebook)
Source: Facebook

Walang pagsidlan ng kaligayahan si Jhonny Cuevas sa patuloy na pagdating ng mga biyaya sa kanya matapos na mag-viral ng kanyang larawang nagkukumpuni ng sira-sirang bike.

Nalaman ng KAMI na ang mga larawan ni Jhonny ay kuha ng nagmalasakit na netizen na si Roswel Placigo nang makita niya ang kaawa-awang lalaki na matiyagang inaayos pa rin ang bike kahit na puro piraso na ng kahoy ito.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Ayon pa kay Roswel, ang bisikleta kasi ang ginagamit ni Jhonny sa paghahanapbuhay bilang taga-repair ng mga sirang payong.

Upang mas maka-ikot siya sa maraming kalsada at makahanap ng magpapaayos sa kanya, ginagamit niya ang bisikleta.

At dahil marami ang naantig sa mga larawan ni Jhonny, maraming netizens na may mabubuting kalooban ang nagpaabot s akanya ng tulong.

Bakas sa kanyang mga ngiti ang umaaapaw na kasiyahan nang makatanggap siya ng bagong-bagong bisikleta.

Bukod pa rito, may nagbigay din sa kanya ng ilang sakong bigas at grocery items upang masiguro na may makakain ang pamilya ni Jhonny.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At siyempre, upang maging ligtas sa pagsakay sa bisikleta, mayroon ding nagkaloob sa kanya ng helmet at iba pang proteksyon nito sa katawan.

Higit sa lahat, tuloy-tuloy din ang tulong pinansyal na kanyang natatanggap sa pamamagitan ni Roswel na walang humpay din ang pagpapabot ng tulong sa kanya.

Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong

Labis-labis ang pasasalamat ni Jhonny at hindi niya inaasahang dadagsain siya ng tulong dahil lamang sa viral post ni Roswel tungkol sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula nang malagay sa community quarantine bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19, naging limitado rin ang mga pampublikong sasakyan.

Kaya naman karamihan sa ating mga kababayan ay gumagamit ng bisikleta upang mas mapadali ang pagpasok nila sa trabaho tulad ng ginagawa ni Jhonny kaya naman kahit sira, pilit niyang inaayos ang lumang bike.

Isa ang TV host athlete na si Gretchen Ho sa mga naghandog ng bisikleta sa mga kababayan nating nararapat na mabigyan nito.

Hanggang ngayon, kahit nanumbalik na ang operasyon ng ilang pampublikong sasakyan, marami pa rin ang gumagamit ng bisikleta.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel