John Regala, naiyak sa mga surpresang dumating sa kanyang ika-53 na kaarawan

John Regala, naiyak sa mga surpresang dumating sa kanyang ika-53 na kaarawan

- Kamakailan ay nagdiwang ng ika-53 na kaarawan ang dating action star na si John Regala

- Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, nagkaroon ng munting selebrasyon sa kanyang condo unit

- Sinurpresa rin siya ng nagpakilala noon na anak kahit pa negatibo ang naging resulta ng DNA sa kanila

- Naroon din ang kanyang ikalawang asawa na nakipag-ayos na raw sa kanya

- Maging ang isa sa kanyang mga kinupkop at kinilalang anak ay naroon din para makisaya sa kanyang kaarawan

- Labis labis ang pasasalamat ni John lalo na kay Raffy Tulfo at naging maligaya siya sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala, naiyak sa mga surpresang dumating sa kanyang ika-53 na kaarawan

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Muling kinumusta ng programa ni Raffy Tulfo ang tinutulungan nilang action star na si John Regala na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na naghandog ng munting salo-salo si Tulfo para sa selebrasyon ng ika-53 na birthday ng kilalang aktor.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Halos lahat ng paboritong pagkain nito ay naihanda para sa aktor at may kasama pa itong mga surpresa.

Isinama rin nila si John Paul Santos, ang nagpakilalang anak umano ni John Regala.

Bagaman at negatibo ang DNA test na isinagawa sa kanila, kinilala pa rin ni Regala si Santos bilang isang anak.

Gayundin naman si Santos na 'Tatay' na ang tawag kay Regala.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang ikalawang misis ni John na si Gina Alonzo ay naroon din at sinabing nagkaayos na sila at kinalimutan ang mga di magandang nangyari sa kanilang pagsasama.

Emosyonal si John sa mga supresang ito na talaga raw hindi niya inaasahan.

Subalit mapapansin ding walang pagsidlang ng kaligayahan ang dating aktor na unti-unti na ring lumalakas.

Walang ibang hangad ang mga taong nakisaya sa kanyang kaarawan kundi ang kanyang paggaling sa kayang iniindang sakit na liver cirrhosis.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong nakaraang buwan ay gumawa ng ingay ang pangalan ni John Regala matapos na mag-viral ang kanyang larawan sa social media na humihingi ng tulong.

Matapos na kumalat ang larawang kuha sa Pasay City, dinagsa naman siya ng tulong mula sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging ng kilalang TV host at public servant na si Raffy Tulfo.

Naipit man sa kontrobersiya ukol sa mga nagpadala ng tulong pinansyal sa kanya na hindi raw umano na niya nahawakan, naayos din ito sa tulong ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel