Raffy Tulfo, humanga sa 2 kolehiyala na humingi ng tulong sa kanya

Raffy Tulfo, humanga sa 2 kolehiyala na humingi ng tulong sa kanya

- Labis na humanga ang batikang mamamahayag at tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo sa dalawang kolehiyalang lumapit sa kanyang programa

- Pinuri ni Tulfo ang dalawa matapos manawagan ng tulong para sa kanilang professor na walang sariling gamit para makapagturo online

- Hindi na raw kasi matiis ng mga ito at ng iba nilang mga kamag-aral na lumalabas pa ang kanilang guro at pumupunta sa isang computer shop para magturo online

- Bilang tugon ay nangako naman si idol Raffy na ibibigay ang mga pangangailangan ng kanilang guro para sa online class

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humanga ang batikang mamamahayag at tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo sa dalawang kolehiyalang lumapit sa kanyang programa kamakailan.

Pinuri ni Tulfo ang dalawa matapos manawagan ng tulong para sa kanilang professor na walang sariling gamit para makapagturo online.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante
Raffy Tulfo, humanga sa 2 kolehiyala na humingi ng tulong sa kanya

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon kina Gillian Parulan at Kena Bacarinas, hindi na raw matiis ng buong klase na makitang lumalabas pa at pumupunta sa isang computer shop ang kanilang guro.

Ito ay dahil na rin sa edad nito at dulot na rin ng pandemyang kinakaharap ng lahat dahil sa COVID-19.

Kaya naman nanawagan sila sa social media para matulungan ang kanilang prof na si Byron Albelar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mabilis namang nag-viral ang kanilang post at nakarating sa tanggapan ng programa ni Tulfo.

Hiling ng mga ito na mabigyan ng mga gamit ang guro para makapagturo ito sa loob na lamang ng kanyang bahay.

Bilang tugon ay agad namang nangako si idol Raffy na ibibigay ang lahat ng kakailanganin ni sir Alberal para sa mga online classes nito.

Laking pasasalamat naman ng guro habang mangiyak-ngiyak naman ang dalawang estudyante.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Maging si idol Raffy ay naantig din ang damdamin sa eksenang kanyang nasaksihan. Para rito ay isang napakabuting gawain ang ginawa ng mga estudyante para sa kanilang guro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, nabigyan din ni idol Raffy ng malaking tulong ang nurse na nag-viral matapos tumulong sa nanganak na palaboy.

Isang ginang naman ang nakatanggap ng tulong mula kay idol Raffy matapos nitong tawaging "matanda" ang broadcaster on air!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel