Lalaking nagwala at nagkalat ng 10 kilong bigas, nabigyan pa rin ng tulong

Lalaking nagwala at nagkalat ng 10 kilong bigas, nabigyan pa rin ng tulong

- Nag-viral ang video ng isang lalaking naaktuhang nagwawala at nagawa pang ikalat sa kalsada ang 10 bigas

- Isang mabuting food delivery rider ang nag-abot ng tulong sa grupo ng mga palaboy na kanyang nadaanan

- Hindi niya alam na hindi pala magkakapamilya ang grupong ito na naging sanhi ng pag-aagawan nila sa bigas at mga de lata

- Nang mahimasmasan, nagpaliwanag ang lalaking nagwala at nabigyan muli ng mga pagkain sa kabila ng nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking nagwala at nagtapon ng 10 kilong bigas, nabigyan pa rin ng tulong

Si Jose Hallorin habang kinakausap ang lalaking nagkalat ng bigas (Photo from Jose Hallorin's Facebook)
Source: Facebook

Pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang video na ibinahagi ni Jose Hallorina kung saan kitang-kita kung paanong ikinalat na lamang ng isang lalaki ang sampung kilong bigas na ibinigay sa kanila.

Nalaman ng KAMI na naaktuhan ni Jose na nag-aaway ang isang lalaki ang ginang na may bitbit na anak.

Isang food delivery rider kasi ang nagmalasakit na bigyan sila ng sampung kilong bigas at ilang de lata.

Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong

Inakala nitong isang pamilya lamang ang grupo ng mga homeless na inabutan niya ng tulong.

Subalit magkakaibang pamilya pala ito kaya naman hindi naiwasang sila ay mag-agawan.

Nakakainom pala ang lalaki at maging ang ginang na inagawan umano niya ng bigas, at sa tindi na ng galit nito sa nangyayari, nagawa nitong sipa-sipain ang supot ng sampung kilong bigas hanggang sa kumalat ito sa kalsada.

Aminado si Jose na nagalit siya sa lalaking nagkalat ng bigas lalo na na at marami ang nagugutom ngayon dahil sa pandemya.

Ngunit nang ito ay bumalik para magpaliwanag, doon niya napag-alamang gutom ang ang isa sa dahilan kung bakit nagawa niyang agawin ang bigas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kabila nang di magandang nagawa ng lalaki, minabuti pa rin ni Jose na bigyan ito muli ng bigas kasabay ng pangaral at pakiusap na huwag na sanang ulitin pa nito ang pagkakalat ng bigas na kanyang nagawa.

Propesor, nahabag sa mga online students na namumundok pa para sa signal

Naluha ang misis ng lalaki na di inaasahang makatatanggap pa rin sila ng biyaya kahit nakagawa ng di maganda ang mister.

Maging ang ginang na nakaalitan ng lalaki at iba pang mga nasa lugar ay nabahagian ni Jose ng ilang grocery items.

Pinasalamatan din nila ang food delivery rider na nagmalasakit na magbigay ng bigas at de lata kahit napag-agawan lamang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Sadyang hindi lamang takot at dulot ng COVID-19 sa atin kundi matinding krisis at gutom para sa marami nating mamamayan.

Subalit dito nasusubok ang ang pagtutulungan at pagmamalasakit natin sa isa't isa lalo na at mayroon higit na nangangailangan sa panahon ngayon.

Tulad ng ginawa ni Jose, nakakagalit man talaga ang nagawa ng lalaki ngunit nangibabaw pa rin sa kanya ang pagtulong dahil iyon ang nararapat na gawin upang ipaunawa sa lalaki ang kamaliang dapat na pagsisihan at hindi na dapat ulitin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel