Proof ba kamo? Wacky pose ni tatay para sa 1 courier, patok sa socmed

Proof ba kamo? Wacky pose ni tatay para sa 1 courier, patok sa socmed

- Kakaibang good vibes ang hatid ng isang lalaki sa Laguna matapos mag-viral ang kanyang wacky pose

- Ayon sa post ng anak nito ay pinakiusapan niya ang ama na ito ang tumanggap ng package niya mula sa isang online shop

- Hiningan naman ito ng courier na nag-deliver ng larawan bilang patunay na natanggap nga nila ang package

- Patok naman ito sa mga netizens na aliw na aliw sa wacky pose ni tatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talaga namang good vibes ang hatid ng isang lalaki mula sa Laguna matapos mag-viral ang kanyang larawan habang naka-wacky pose.

Ayon sa Facebook post ng anak nito na si Danicalyn Recto Arce, pinakiusapan niya ang ama na si tatay Danilo na siyang tumanggap ng kanyang package na binili mula sa isang online shop.

Proof ba kamo? Wacky pose ni tatay para sa 1 courier, patok sa socmed

Photo from Danicalyn Recto Arce Facebook account
Source: Facebook

Hiningan naman ito ng courier na nag-deliver ng larawan bilang patunay na natanggap nga nila ang package.

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

"Me: Pa ikaw muna mag bayad ng order ko sa shopee. Pa, ikaw na din magpa picture nahihiya ako," ayon kay Danica.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mabilis na nag-viral ang post na ito ni Danica sa social media at sa kasalukuyan ay mayroon nang 35,000 reactions at 30,000 shares sa Facebook!

Bentang-benta rin ito sa mga netizens na aliw na aliw sa wacky pose ni tatay Danilo.

"Hahaha Cool ni daddy!"
"Atleast nkabawas ng konting pagod kay courier ginawa mo kuya..pati kme natuwa syo."
"we need a little more of this!"
"yeah....strike a pose Sir."
"Salamat sa good vibes kuya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Madalas na rin tayong makarinig ng mga nakatutuwang kwento tungkol sa karanasan ng ilang sa online shopping na pumapatok sa mga netizens.

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Tulad na lamang ng kwento ng isang lalaki ukol sa isang delivery rider na "nasindak" daw sa kanyang remarks.

Pero ang tumatak at pinag-usapan kamakailan ng mga Pinoy ay ang video ng ilang empleyado ng J&T Express kung saan naaktuhan ang 'di maayos na pagso-sort ng mga ito sa mga packages!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel