Lalaking pilit na inaayos ang bike para makapagtrabaho, dinagsa ng tulong

Lalaking pilit na inaayos ang bike para makapagtrabaho, dinagsa ng tulong

- Nag-viral ang larawan ng isang lalaking pilit na inaayos ang kanyang sirang bisikleta

- Nakapukaw ito ng pansin ng isang netizen na naawa sa kalagayan ng lalaki

- Pilit pa raw itong inaayos ng lalaki upang siya ay makapaghanapbuhay

- May mga nakapagparating na ng tulong sa lalaki at ang ilan ay nagpahiwatig na rin ng pagtulog sa anumang ang kanilang makakayanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking pilit na inaaayos ang bike para makapagtrabaho, dinagsa ng tulong

Jhonny Cuevas (Photo from Roswel Placigo)
Source: Facebook

Pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang larawan ng isang lalaki na pilit na kinukumpuni ang sirang bisikleta.

Nalaman ng KAMI na sira-sira na talaga ang bisikleta ng lalaki na mayroon nang piraso ng kawayan at mga tali bilang suporta sa likurang bahagi nito.

Ngunit dahil di sapat ang mga materyales na ito upang maayos niyang magamit ang bisikleta, nasisiraan pa rin ito sa daan.

Ang netizen na si Roswel Placigo ang nakapansin sa 54-anyos na si Jhonny Cuevas habang inaayos niya ang kanyang bisikleta sa gilid ng isang kalsada sa Tacloban City.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Ayon kay Roswel, gumagawa umano ng mga sirang payong si Jhonny. Kaya pilit niyang inaayos ang bike dahil nag-iikot siya para makarami ng magpapagawa sa kanya.

Ito lamang kasi ang kanilang ikinabubuhay ng misis niya gayung hindi naman sila nabiyayaan ng mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ibinahagi ng netizen ang larawan ni Jhonny upang matulungan ito lalo na kitang-kita naman ang kaawa-awang kalagayan nito.

Sa hiwalay na post ni Roswel, nabanggit nitong ilang may mabubuting puso ang nagpaabot na ng tulong sa lalaki.

Maging ang mga grupo ng bikers sa kanilang lugar ay agad na nagpaabot ng biyaya na ipararating ni Roswel kay Jhonny.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa pagsasailalim ng community quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa, isa ang bisikleta sa naging pangunahing transportasyon ng mga Pilipino.

Bawal Judgmental constestant, nakapiling na ang anak na may special needs

Limitado kasi ang pampublikong sasakyan. At kung wala kang kotse, bisikleta ang maaring magamit upang mas mabilis na makarating sa trabaho kaysa maglakad.

Marami-rami na ring mga kababayan natin ang mga nagbabahagi ng bisikleta para sa mga nangangailangan lalo na iyong mga nasa malalayong lugar ang pinapasukang trabaho.

Isa ang host na si Gretchen Ho sa mga nagbibigay ng bikes sa mga karapat-dapat na mabahagian nito.

Maging si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay nag-alok din ng tulong sa isang matandang hila na lamang ang bisikleta niya papasok sa kanyang trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel