21-anyos na may dalawang ama, proud sa pamilyang kinabibilangan

21-anyos na may dalawang ama, proud sa pamilyang kinabibilangan

- Ibinahagi ng isang anak kung paano mamuhay na mayroong dalawang ama sa kanyang buhay

- Inakala lamang niyang matalik na magkaibigan ang kanyang dalawang ama

- Hanggang sa dumating ang araw na natuklasan niyang magkarelasyon pala ang mga ito

- Aminadong nahirapan sa umpisa ngunit dahil sa pagmamahal na kanyang patuloy na nadarama mula sa mga magulang, natanggap na rin niya ang kalagayan nila bilang isang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

21-anyos na may dalawang ama, proud sa kakaibang pamilyang kinabibilangan

Tito Jeff, Daddy Lawrence at si Nina (Photo from Eat Bulaga's Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang kwento ng isang contestant ng 'Bawal Judgmental.'

Nalaman ng KAMI na ang contestant na ito ay mayroong dalawang ama sa kanyang buhay.

Ayon sa 21-anyos na si Nina, lumaki siya na dalawa ang ama dahil sa boyfriend ng kanya mismong tatay.

Maagang naghiwalay ang kanyang mga magulang ngunit napunta pa rin siya sa poder ng kanyang ama.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Kwento pa ni Nina, 16 taon nang nagsasama ang kanyang totoong ama na si Daddy Lawrence at kanyang Tito/ Mommy Jeff.

Inakala raw niyang matalik na magkaibigan lamang ang mga ito lalo na at bata pa siya nang magsimula ang relasyon ng dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hanggang sa dumating ang araw na siya mismo ang nakatuklas ng totoong relasyon ng Daddy Lawrence niya at Tito Jeff.

Aminado siyang naguluhan siya sa umpisa lalo na at nasa edad 12 o 13 pa lamang daw siya nang malaman ito.

Subalit sa tulong ng mga magulang ng kanyang matalik na kaibigan, naunawaan niya ang sitwasyon.

Ayon din sa kanyang Daddy Lawrence, ipinaliwanag niya kay Nina na pagmamahal ang mahalaga sa kanilang 'pamilya.'

At dahil labis-labis namang nararamdaman ni Nina ang pagmamahal na ito sa kanyang dalawang ama, natanggap na na niya ang kanyang pamilya.

Ella Cruz, sumemplang sa big bike habang nasa training

Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa dalawa na hindi siya kailanman pinabayaan maging ang kanyang Tito Jeff na tumatayo bilang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang ina naman ang natulungan ng 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga para mahanap nito ang anak niyang may special needs na mahigit isang taon nang nawawala.

Dahil sa marami ang nakapanood at nakakita ng larawan ng anak, may nakapagturo ng kinaroroonan nito.

Ang Eat Bulaga ang longest running nontime show sa bansa na 41 taon nang napapanood tuwing tanghali.

Sa tagal, nagbabahagi na rin sila ng mga throwback videos kung saan makikita na ilang sikat na artista ngayon ay produkto pala ng mga paligsahan ng Eat Bulaga.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel