Kababalgahang nagaganap sa opisina ni Tulfo, unti-unti nang naipaliwanag ng mga eksperto

Kababalgahang nagaganap sa opisina ni Tulfo, unti-unti nang naipaliwanag ng mga eksperto

- Naipaliwanag na ng ilang eksperto ang sinasabing kababalaghang nagaganap sa opisina ng kanilang programa

- Dalawang paranormal experts ang sumuri sa mga kakaibang nagaganap sa opisina na nararansan ng halos lahat ng mga staff ni tulfo

- Habang naka-live pa sila sa episode ngayong Setyembre 17, naiba na naman ang boses mismo ni Tulfo at ng kanyang co-host na si Sharee

- Nagawa pang ipakita ni Sharee ang sinasabing pwesto ng 'babaeng' tila nagpapapansin sa mga host ng programa sapagkat nais din pala nitong humingi ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kababalgahang nagaganap sa opisina ni Tulfo, unti-unti nang naipaliwanag ng mga eksperto

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Nagbigay na ng ilang detalye ang programa ni Raffy Tulfo kaugnay sa di umano'y mga kababalaghang nagaganap sa kanilang opisina.

Nalaman ng KAMI na tila nadadalas na ang mga sinasabing pang-gagambala sa programa ni Tulfo kahit pa ito ay live o on-air.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Ilang netizens ang nakapansin ng mga kakaibang bulong sa live episodes ng programa at ang pinakahuli nga ay ang naganap ngayong Setyembre 17 kung saan naiba raw ang boses mismo ni Tulfo at ng kanyang co-host na si Sharee Roman.

Dahil dito, nabanggit na nilang nasuri na ng ilang eksperto ang kanilang opisina at napag-alamang isang 'babae' ang gumagambala sa kanila.

Nasabi sa kanila ng paranormal expert na si Ana Dela Cruz na ang babaeng ito biktima ng karumaldumal na krimen na tila humihingi rin ng tulong sa kanyang Idol Raffy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong araw din, bahagyang nawala sa ere ang programa dahil sa sinsabing kababalghan.

Ipinakita pa umano ni Sharee, ang sinasabing pwesto ng 'babae' habang live ang kanilang programa.

Maging ang sikat na paranormal expert ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ay isa rin sa naimbitahan ni Tulfo upang suriin ang kanilang lugar.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Kinakausap na rin nina Tulfo at Sharee ang 'babaeng' ito at sinasabi nilang hanggang Oktubre 5 na lamang sila sa opisina at babalik na muli sila sa studio ng TV 5.

Dinadaan man daw sa biro ngunit aminado ang co-host ni Tulfo na nakararamdam pa rin siya ng takot dahil sa mga nangyayari.

Narito ang kabuuan ng episode:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noong nakaraang linggo, kumonsulta na sa mga eksperto si Raffy Tulfo upang matuldukan na ang mga nakakikilabot na 'bulong' na naririnig di umano sa ilang episodes ng kanyang programa.

Ipinadala na nila ang mga video samples sa isang audio engineering consultant upang malaman ang siyentipikong paliwanag sa mga bulong na naganap.

Humingi na rin sila ng tulong maging sa parapsychologist para maipaliwanag ang ibang aspeto ng nakakikilabot na kababalaghang ito.

Ginawa ito ni Tulfo matapos na mismong ang mga netizens ang mga nakapansin sa kakaibang mga 'bulong' na hindi naman daw boses ng kanilang Idol Raffy o maging ng co-host nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel