Tim Sawyer at China Roces, reunited para sa milestone ng kanilang baby

Tim Sawyer at China Roces, reunited para sa milestone ng kanilang baby

- Matapos ang kinasangkutang gulo ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, muling nagkasama ang dalawa para sa kanilang anak

- Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Tim ang larawan nilang tatlo sa pagdiriwang ng ika-anim na buwan ng anak na si Timothy

- Masaya naman ang kanilang fans sa muling pagkabuo ng pamilya bagamat hindi pa malinaw kung nagkabalikan na sina Tim at China

- Matatandaang ilang araw ring laman ng balita ang away sa pagitan ng dalawa na humantong pa nga sa programa ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang mainit na isyung kinasangkutan ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, muling nagkasama ang dalawa para sa kanilang anak.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Tim sa kanyang official FB account, masayang nakangiti ang dalawa kasama ang anak na si Timothy na nagdiriwang ng kanyang ika-anim na buwan.

Tim Sawyer at China Roces, reunited para sa bday ng kanilang baby

Photo from Tim Sawyer Facebook account
Source: Facebook

At bagamat hindi pa malinaw ang "real score" sa pagitan nina Tim at China, masaya naman ang mga fans nila na muling makitang buo ang pamilya nila.

"Hi mga idol thank you Lord masaya ako para sa Inyo mga idol."
"Wow buti naman magkasama Na uli kayo buo Na ulit pamilya ninyo hope Na tuloy2 Na Yan Godbless."
"Sana hndi n uli kayo mag away."
"Buo na ulit."
"Yehey happy family again."
"Lovely couple god bless both of you."
"Ngiti Na si baby Timothy oh nanjan Ang mommy at daddy niya."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang ilang araw ring laman ng balita ang away sa pagitan ng dalawa na live pang napanood ng mga netizens sa Facebook.

Hindi nagtagal ay humantong na nga sa programa ni Raffy Tulfo ang isyu matapos ireklamo ni China si Tim.

Naging ugat ng kanilang away ay ang pagtatago umano ni Tim ng tungkol sa kanyang pera na kinita nilang dalawa sa mga vlogs.

Maging ang pagtatago umano ni Tim sa biniling bahay at sasakyan ay nabanggit din ni China.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim at China sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang vlogger/model din ang nadawit sa gulo ng dalawa ngunit mariin itong itinanggi ng dalaga.

Lumutang din ang tungkol sa anak ni Tim sa Mindanao ta nakaharap pa ang dating karelasyon matapos siyang ireklamo nito sa programa ni Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel