Ginang na naglalaba sa kanyang bakuran, sinita dahil walang face mask

Ginang na naglalaba sa kanyang bakuran, sinita dahil walang face mask

- Trending ngayon sa social media ang video ng isang ginang na isinasama sa barangay matapos sitahin ng ilang opisyal

- Nais din itong ticketan ng mga opisyal dahil nahuli itong walang suot na face mask habang naglalaba sa loob ng kanyang bakuran

- Nakipagmatigasan naman ang ginang sa mga ito at iginiit na hindi niya alam na dapat na magsuot ng face mask kapag naglalaba

- Sari-sari naman ang naging reaksyon at opinyon ng mga netizens ukol sa viral video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video na kuha ng isang netizen kung saan makikita ang isang ginang na nakikipagtalo sa ilang opisyal ng barangay.

Sa naturang video na mula sa netizen na si Nielyn Mapajo, maririnig na nais isama ng ilang kalalakihan ang ginang sa barangay.

Ginang na naglalaba sa kanyang bakuran, sinita dahil walang face mask

Screen gran from Trending Pilipinas FB page
Source: Facebook

Maririnig din nais itong ticketan ng mga ito ayon sa ginang na may multang P1,000.

Nahuli kasi ang ginang na walang suot na face mask habang naglalaba sa loob ng kanyang bakuran.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nanindigan ito na hindi alam na bawal maglaba sa loob ng bakuran na walang suot na face mask.

Tumanggi rin itong sumama sa barangay at ma-ticketan ng mga opisyal.

Sari-sari naman ang naging reaksyon at opinyon ng mga netizens ukol dito.

Mayroong nagsabi na hindi makatarungan ang ginawa ng mga opisyal lalo pa at nasa loob naman ng sariling bakuran ang ginang.

May mga netizens din na nag-tag sa programa ng batikang mamamahayag at tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo.

Marami ang talagang hindi sang-ayon sa ginawang ito ng mga opisyal lalo pa at patuloy na apektado pa rin ang kabuhayan ng maraming Pinoy dulot ng pandemya.

Narito ang video mula sa FB page na Trending Pilipinas:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inerekomenda ng DILG base sa rekomendasyon ng IATF ang mandatory na pagsusuot ng face masks ng lahat ng residenteng lalabas sa kanilang mga tahanan.

Kamakailan ay ipinatupad din ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar at transportasyon.

Ito ay ilan lamang sa mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na novel coronavirus sa bansa.

Samantala, isang video rin ang nag-viral kung saan isa namang matandang babae ang tumangging magsuot ng face mask at face shield habang nasa EDSA.

Dati na ring naiulat ang tungkol sa isang babaeng pasahero na walang suot na face mask ang nagalit sa matandang babaeng sumita rito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel