BFF ni Lloyd Cadena, emosyonal na inaalala ang kabutihan ng yumaong kaibigan

BFF ni Lloyd Cadena, emosyonal na inaalala ang kabutihan ng yumaong kaibigan

- Isang tribute ang handog ni Madam Ely para sa kanyang yumaong best friend na si Lloyd Cadena

- Inalala niya ang magagandang pinagsamahan nila ni Kween LC sa loob ng pitong taon nilang pagkakaibigan

- Ibinahagi rin niya kung gaano kabuti ang pumanaw na vlogger na sadyang matulungin at mapagbigay sa kapwa

- Marami rin umanong naiwang aral si Lloyd na labis na naka-impluwensiya sa kanyang pagkatao kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa pinakamamahal na kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

BFF ni Lloyd Cadena, emosyonal na inaalala ang kabutihan ng yumaong kaibigan

Lloyd Cadena and Madam Ely (Photo from Madam Ely's Facebook)
Source: Facebook

Makalipas ang mahigit isang linggo mula ng pumanaw ang sikat na YouTube star vlogger na si Lloyd Cadena, nagbigay ng tribute para sa kanya ang kanyang best friend na si Madam Ely.

Noong Setyembre, ibinahagi ni Madam Ely sa kanyang social media platforms ang isang video na may pamagat na "mare..."

Nalaman ng KAMI na ito pala ang tawag niya sa kay Lloyd o kilala rin bilang si Kween LC.

Unang inalala ni Madam Ely ang mga huling sandali na nakausap pa niya ang kaibigan.

Gaya ng mga nababalita, inakala niyang bumubuti ang lagay ng ni Lloyd.

Ngunit nang matanggap niya ang tawag noong Setyembre 4 ng umaga, alam niyang hindi magandang balita ang bubungad sa kanya.

Sa di malamang dahilan, nang araw na iyon, alas tres ng madaling araw, pinatugtog pa raw ni Madam Ely ang paborito nilang kanta ni Kween LC.

Masasabi niyang "unbearable" ang sakit na naramdaman niya noong nalamang pumanaw na ang matalik na kaibigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gayunpaman, marami namang magagandang bagay at ala-ala ang naiwan sa kanya ni Lloyd at maging mga aral sa buhay lalo na at isang mabuting tao si Lloyd Cadena.

Hinangaan din niya ito sa labis na pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang.

Ibang klase rin daw itong magmahal at alam niya ito dahil nararamdaman niya raw ito sa araw-araw.

Masasabing maswerte raw siya dahil naging bahagi ng buhay niya si Kween LC na siyang tumulong sa kanya sa maraming bagay.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pumanaw ang batikang YouTube star na si Lloyd Cadena noong Setyembre 4.

Tinamaan din ito ng COVID-19 kaya naman nasa ospital siya nang hindi na raw ito nagising dahil sa atake sa puso.

Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pagpanaw nito sa edad niyang 26.

Maging ang kanyang idolo na si Mariah Carey ay nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa mga naiwan ni Lloyd na pamilya at mga kaibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel