OFW na na-inlove sa 1 preso, humantong din sa programa ni Raffy Tulfo

OFW na na-inlove sa 1 preso, humantong din sa programa ni Raffy Tulfo

- Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo ang isang OFW sa Singapore upang ireklamo ang kanyang ex-BF na dating preso

- Matapos umano kasi niya itong piyansahan para makalaya ay sa iba raw ito sumama

- Depensa naman ng inirereklamong lalaki, nakipaghiwalay siya sa OFW dahil sa pagseselos nito sa kanyang dating asawa na naging dahilan ng kanilang pag-aaway

- Ngunit dahil din sa reklamong ito ay nabuking ang mga kalokohan sa loob ng kulungang pinanggalingan ng lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nakalaya man sa kulungan ang dating presong si Arman Dacdac Canon tila may posibilidad na bumalik ito matapos itong ireklamo ng dating kasintahan.

Idinulog kasi ng overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore na si Michelle Bagapora ang kanyang reklamo laban kay Canon sa programang 'Tulfo in Action'.

OFW na na-inlove sa 1 preso, humantong din sa programa ni Raffy Tulfo

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon kay Bagapora, matapos niyang tulungan at padalhan ng pang-piyansa si Canon ay sa iba umano sumama ang lalaki.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Depensa naman ng inirereklamong lalaki, pinagseselosan daw ni Bagapora ang kanyang dating misis kaya siya nakipaghiwalay rito.

Madalas umano silang mag-away dahil dito. Iginiit nito na pumupunta lamang siya sa bahay ng dating asawa para sa kanilang apat na anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero hindi kumbinsido si Bagapora sa mga alibi ng dating nobyo at desididong bawiin ang lahat ng kanyang ibinigay rito.

Nakiusap naman si Canon sa ex-GF na hulugan niya ang kabuuang halaga na naibigay nito sa kanya.

Nangako rin ang lalaki na makikipag-ugnayan sa programa at sa tatay ni Bagapora para maibigay ang kanyang hulog.

Samantala, dahil naman sa reklamong ito ay nabuking ni idol Raffy Tulfo ang mga kalokohan sa loob ng kulungan na pinanggalingan ni Canon.

Ito ay matapos maisiwalat na nakilala pala ni Bagapora si Canon sa Facebook habang ito ay nakakulong pa kung saan nagagawa pa nga nitong makipag-video call sa kanya.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Pinatunayan din ito ng pahayag ni Canon at inaming may mga cellphone na ipinapagamit sa kanila ang mga opisyal ng kulungan sa Laguna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, lumapit sa kanyang programa ang kontrobersyal na couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces.

Samantala, isa naman magandang misis ang lumapit din kay idol kamakailan para ireklamo ang dating kinakasama na humihingi diumano ng kapalit bago magbigay ng sustento!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel