Batang mascot, rumaraket para makatulong sa kanyang pamilya

Batang mascot, rumaraket para makatulong sa kanyang pamilya

- Isang siyam na taong gulang na bata ang nasipang rumaket sa kalsada bilang mascot

- Ginagawa raw ito ng bata para makatulong sa mga gastusin ng kanyang pamilya

- Bagaman at may trabaho naman ang kanyang ina, minabuti pa ring maghanapbuhay ng bata sa murang edad

- Pagkakatapos naman ng kanyang gawain bilang street performer, masaya naman siyang nakapaglalaro ng football pagkauwi

- Kahit kita sa mga larawang siya ay napapagod sa ginagawa, masaya pa rin siyang nakatutulong sa kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Batang mascot, rumaraket para makatulong sa kanyang pamilya

Rehan (Photo from @rhmadii's Instagram)
Source: Instagram

Umantig sa puso ng mga netizens ang batang si Rehan sa Indonesia na rumaraket bilang isang street mascot.

Nalaman ng KAMI na isang concerned Instagram user na si @rhmadii__ ang nakakita sa siyma na taong gulang na batang ito at kanyang inusisa.

Ayon kay Rehan, ginagawa niya umano ito upang masuportahan ang kanyang pamilya.

Nang makita siya ng netizen, suot niya ang Tom and Jerry costume. Ngunit marami pa siyang costume na naisusuot tulad ng Dora the Explorer, Upin and Ipin, Spongebob Squarepants at marami pang iba ayon sa Yahoo News.

Maglalakad ang batang ito upang magbigay saya sa mga naiipit sa traffic sa Jalan Gatot Subroto sa South Kalimantan.

Sa ulat ng Asia One, tinatayang nasa 10 kilometro ang nilalakad ng bata sa kanyang raket na ito.

Maaga siyang gumigising para sa hanapbuhay niyang ito kaya naman makikita sa mga larawang binahagi ni @rhmadii__ na halos nakatulog na sa pagod ang bata.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kabila ng paghihirap niyang ito, masaya naman siyang nakatutulong sa kanyang pamilya.

Bagaman at may trabaho naman ang ina ni Rehan, kulang daw ito sa gastusin ng kanilang pamilya at umaabot lamang daw iyon bilang pambayad ng kanilang renta sa bahay.

Dahil sa raket niyang ito, natutustusan din umano niya ang mga pangangailangan niya sa pag-aaral ayon pa sa Nestia News.

Pagkakatapos din ng kanyang trabaho, masaya namang nakapaglalaro ng football si Rehan tuwing hapon.

Kahanga-hanga ang mga batang sa murang edad ay natututo na ng responsibilidad nang hindi sila pinipilit ninoman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Rehan, isang bata rin sa Pilipinas ang naghahanapbuhay upang maitaguyod ang mga magulang na may karamdaman.

Hindi na kasi makapagtrabaho ang mga ito kaya naman siya ang gumagawa ng paraan upang may mapagkunan sila ng panggastos sa araw-araw.

Dalawa pa ang trabaho ng batang ito upang matiyak na sapat sa araw- araw ang kanyang kikitain.

Dahil sa kanyang kasipagan, mayroong nagmagandang loob na tumulong sa kanilang pamilya upang di na siya maghanapbuhay.

Gayundin ang isang batang nagtitinda ng kabute sa gilid ng kalsada na kaya ginagawa ito ay dahil napansin niyang lalong nahirapan ang kanyang mga magulang dahil sa pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel