Helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak; apat na pasahero, pumanaw na

Helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak; apat na pasahero, pumanaw na

- Biglang bumagsak ang isang helicopter ng Philippine Air Force nitong Miyerkoles ng hapon

- Nasa apat naman na sakay ng helicopter ang kumpirmadong pumanaw dahil sa insidente

- Sa ngayon ay pinangangambahang may kinalaman sa sama ng panahon ang aksidente

- Papunta sana sa Zamboanga ang air ambulance para magsagawa ng medical evacuation doon

- Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyong isinasagawa ng awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang helicopter ng Philippine Air Force ang nabalitang bumagsak sa Basilan nitong Miyerkoles ng hapon.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ng Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office ang insidenteng ito.

Helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak; apat na pasahero, pumanaw na

Photo from Getty Images
Source: Instagram

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, bumagsak ang helicopter at posibleng dahilan nga ang masamang panahon sa likod ng aksidenteng ito.

Sa post naman ng News5 sa Twitter, kumpirmadong apat ang nasawi nang bumagsak ang helicopter. Kasama na raw dito ang piloto at tatlong pasahero.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi naman sa ulat ng DZMM TeleRadyo, magsasagawa dapat ng medical evacuation sa Zamboanga mula sa Jolo ang mga nakasakay sa helicopter.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidenteng ito. Hindi pa rin kumpirmado ang identidad ng mga katawang nakita rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagliyab sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Lion Air Flight RPC 5880 at ilang pasahero ang namatay dito.

Isa na nga sa pumanaw si Dr. Nicko Bautista na papunta sana sa Japan para sa isang medical evacuation. Ikinuwento ng kapatid niya ang paghihinagpis nila sa pagkawala ng doktor.

Samantala, isang Lion Air flight din ang bumagsak sa Sumatra noong nakaraang taon. Nasa 189 na pasahero nga ang naitala na sakay ng eroplanong ito. 13 minutes pa lang nakakalipad ay agad namang bumagsak ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel