Mga ayaw mag-mask sa Indonesia, pinaghukay ng libingan para sa mga pumanaw sa COVID-19

Mga ayaw mag-mask sa Indonesia, pinaghukay ng libingan para sa mga pumanaw sa COVID-19

- Kakaiba ang naging parusa sa Indonesia para sa mga taong ayaw magsuot ng face mask kahit laganap ang COVID-19

- Naisip ng district head na paghukayin ng libingan ng mga pumanaw sa COVID-19 ang mga ayaw mag-mask

- Paliwanag ng head, kulang ang mga maghuhukay kaya naman naisip niyang patulungin ang mga ito rito

- Dagdag niya pa, sana ay magsilbing tanda ito para sa mga taong lalabag at hindi magsusuot ng face mask

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila kakaiba ang naging parusa sa mga taong ayaw magsuot ng face mask sa Indonesia.

Nalaman ng KAMI na pinaghukay ng libingan ang walong taong hindi nagsuot ng mask upang magtanda sila.

Mga ayaw mag-mask sa Indonesia, pinaghukay ng libingan ng COVID-19 patients

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng SBS News, naisip ng district head na parusahan ang mga hindi sumusunod sa pagsusuot ng mask.

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

Kaya naman ang naging desisyon niya ay paghukayin ang mga ito para magkaroon ng libingan ang mga pasyenteng namatay dahil sa COVID-19.

Sa report naman ng Mirror UK (isinulat ni Ryan Merrifield), sinabi ng district head na tatlo lang daw ang pwedeng maghukay noon kaya naisip niyang patulungin na lang ang mga hindi nagsuot ng mask sa paghuhukay.

Base naman sa ulat ng FOX 8 (isunulat ni Russel Falcon), noong Abril 5 ay required na nga ang pagsusuot ng face mask sa Indonesia para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, nasa higit 225,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Indonesia. Nasa higit 8,900 naman ang mga pumanaw dahil dito.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang lalaki sa Indonesia ang nagpositibo sa COVID-19 at ayaw sumama sa ospital. Nagalit pa ito at yinakap ang mga kapitbahay nang pwersahing pumunta sa ospital.

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Samantala, nag-spray naman ng antiseptic ang mga opisyal sa Indonesia sa mga pasaherong dumating sa bansa nila na galing sa Wuhan, China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel