Naglaho! GF, biglang iniwan at inatrasan sa kasal ng live-in partner kapalit ng P35K

Naglaho! GF, biglang iniwan at inatrasan sa kasal ng live-in partner kapalit ng P35K

- Humingi ng tulong sa 'Raffy Tulfo in Action' ang isang babae matapos umanong iwanan siya ng live-in partner niya at umatras ito sa pinangakong kasal

- Handa na raw halos ang lahat para sa kasal nila kaso biglang naglaho ang lalaki matapos mangialam ng tita ng lalaki

- Kwento ng babae, pinapili raw ng tita ang lalaki kung itutuloy ang kasal o bibigyan siya ng pera para mabayaran ang P35,000 na utang niya

- Pinili umano ng lalaki ang pera kaya naman bigla na lang hindi siya nagparamdam sa girlfriend niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang babae ang nagreklamo at humingi ng tulong sa Raffy Tulfo in Action matapos umano siyang iwanan bigla ng live-in partner niya.

Nalaman ng KAMI na ikakasal na dapat ang magkasintahan kaso iniwan ito ng lalaki para umano sa pera.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video
Naglaho! GF, biglang iniwan at inatrasan sa kasal ng live-in partner kapalit ng P35K

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, sinabi ni Mary Joy Alvarez na handa na halos ang lahat para sa kasal nila kaso biglang naglaho ang boyfriend niyang ai Jero Borja.

Kwento pa ni Mary Joy, may anak na siya pero sinabi naman ni Jero na handa siyang panindigan ito at pakasalan siya kahit tatlong buwan pa lang silang magkasintahan.

“Bale judge wedding lang po sana ‘yun, sir. Meron na po kaming CENOMAR, sir, singsing, saka damit ko po,” sabi ni Mary Joy.

Kaso, bigla na lang daw nangialam ang tita ni Jero sa relasyon nila. Kwento ni Mary Joy, hindi niya alam na may utang na P35,000 si Jero sa pinagtatrabahuhan niya at siya ang sinisisi ng tita ni Jero rito.

Kaya naman, pinapili ng tita si Jero kung itutuloy nito ang kasal kay Mary Joy o bibigyan siya ng pera para makabayad sa utang niya. Pinili umano ng Jero ang pera at bigla na lang ito hindi nagparamdam kay Mary Joy.

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Dagdag pa niya, nagpanggap din daw si Jero na sundalo siya at malaki ang kinikita niya kaya naman nahulog si Mary Joy dito.

“Kaya po ako pumatol sa kanya kasi akala ko po kaya niya ako ipaglaban,” sabi ni Mary Joy.

Paliwanag naman ng nanay ni Jero, hindi niya pa nakikilala si Mary Joy. Pero, handa ang pamilya nila na pumunta sa bahay nila Mary Joy para humingi ng tawad sa kanya at pamilya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat naman ng KAMI, isang nanay ang humingi ng tulong kay Tulfo matapos makipagrelasyon umano ng kapatid niya sa anak niya.

May mga ebidensya pa nga ang nanay na nagpapakitang may kakaibang namuo talaga sa mag-tiyuhin. Nais din nitong ipakulong ang kapatid niya.

Samantala, isang misis naman ang pina-Tulfo rin ang asawa niya dahil nangaliwa raw ito kasama ang mismong hipag niya.

Raffy Tulfo, naluha sa kasal ng anak na si Maricel at ni Atty. Garreth Tungol

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel