Frontliner, desididong kasuhan ang kapitbahay na nanaboy di umano sa kanya ng bleach

Frontliner, desididong kasuhan ang kapitbahay na nanaboy di umano sa kanya ng bleach

- Desididong kasuhan ng nurse ang kanilang kapitbahay na nagawang sabuyan umano siya ng bleach

- Kinukutya pa umano sila nito at sinasabihang "may covid" at "nagahahasik ng virus"

- Maging ang kapatid nitong isa ring health worker, at nakaranas din ng diskriminasyon sa parehong kapitbahay

- Ihaharap ng NBI ang dalawang panig sa piskalya lalo na at sineseryoso nila ang anomang klase ng pangungutya sa mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Frontliner, desididong kasuhan ang kapitbahay na nanaboy di umano sa kanya ng bleach

Nurse in PPE ( Photo form Wikimedia Commons)
Source: UGC

Dumiretso na sa National Bureau of Investigation ang isang nurse matapos na sabuyan umano siya ng bleach ng kanyang kapitbahay.

Nalaman ng KAMI na dala ng frontliner sa NBI ang unipormeng puro mantsa na dahil sa tubig na may bleach na isinaboy sa kanya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tila nadadalas umano ang diskriminsayong ginagawa sa nurse gayundin sa kapatid din nitong isang health worker.

Tuwing maaktuhan ng kapitbahay ang mga fronliners, sinasabihan pa umano silang naghahasik o nagkakalat ng virus sa kanilang lugar.

Katunayan, tila na-trauma ang kapatid ng nurse sa pangungutyang nararanasan mula sa kanilang kapitbahay.

Samantala, mariing itinanggi ng inirereklamong kapitbahay ang mga paratang. Naglilinis lamang sila ng kanilang harapan upang hindi raw masabihan ng pamilya ng nurse na sila raw ay mga "baboy."

Nabanggit din nito na tila gumaganti lamang ang kampo ng nurse gayung dati na pala silang may alitan.

Sasampahan ng pamilya ng frontliners ang kapitbahay ng slander, oral defamation at unjust vexation.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang, hindi ito ang unang pagkakataon na may nanaboy umano ng bleach sa isang fronliner.

Nitong Marso ng kasalukuyang taon, isang hospital staff sa Sultan Kudarat ang sinabuyan din ng bleach na nakaapekto pa umano sa kanyang paningin.

Ayon sa ulat ng GMA News, binugbog pa umano ang lalaki at pinagmumura kasama na rin ang pandidiring ibinabato sa kanya.

Nakapunta pa sa pagamutan ang hospital staff na agad na sumailalim sa eye procedure ayon sa Bombo Radyo.

Naklulungkot isipin na sa loob ng anim na buwang pakikipaglaban natin sa COVID-19, dumarami rin ang kaso ng diskriminsayong nararanasan ng frontliners.

Mayroon pa ngang mismong ang ospital na pinaglilingkuran ang nagpabaya nang sila mismong mga frontliner ang tinamaan ng COVID-19.

Mayroon ding mga nurses na nagawa pang palayasin sa tinitirahan dahil sa pag-aakusahan may virus umano sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel