Mister, araw-araw na pasan misis na kanyang isinasama sa trabaho

Mister, araw-araw na pasan misis na kanyang isinasama sa trabaho

- Viral ang mga larawan ng mister na pasan ang misis na kanayng kasa-kasama sa trabaho

- Tatlong oras kada araw niya ito pasan sa kanyang likuran sa pagpasok sa trabaho

- Namumulot na rin daw sila sa daan ng maari nilang ikalakal upang mayroon pa silang pagkakitaan

- Marami na rin ang nagpadala ng tulong sa kanila kaya pinaplano na nilang magtayo ng munting negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mister, araw-araw na pasan ang may sakit na misis na isinasama niya sa trabaho

Jeroy at Nina (Photo from Ayla Conda)
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang mga kuhang larawan ng isang mister na pasan ang kanyang misis sa likod habang naglalakad papasok sa kanyang trabaho.

Nalaman ng KAMI na sila ay sina Jeroy at Nina na wala matiyagang binabaybay ang kalsada sa loob ng tatlong oras kada araw.

Ayon sa Rappler, orihinal na binahagi ng netizen na si Ayla Conda ang larawan kung saan makikita ang sitwasyon ng mag-asawa sa paglalakad nila mula sa San Jose del Monte Bulacan to Novaliches.

Sa ulat ni Jorge Cariño ni ABS-CBN News, nasabing walong taon na palang matatag na nagsasama ang dalawa.

Mayroong iniindang karamdaman ang misis kaya naman hindi ito maiwang mag-isa ni Jeroy.

Tinatyaga niya talagang isama ito sa trabaho subalit dahil wala silang pambili umano ng face shield na kailangan sa mga pampublikong sasakyan, naglalakad na lamang sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay MJ Geronimo ng GMA News, isinasabay na rin ng mag-asawa ang pamumulot ng maaring maikalakal sa kanilang nadadaanan nang sa gayon ay may karagdagan silang panggastos.

Dahil sa marami ang namangha sa samahan ng mag-asawang ito, dinagsa sila ng tulong mula sa mga nagmalasakit at may mabubuting kalooban.

Sa pagbuhos na ito ng biyaya sa kanila, naisipan ni Jeroy na itigil na ang pamumulot ng maaring ikalakal. Magtatayo na lamang sila ng munting sari-sari store upang sa gayon ay mapipirmi na lamang sila sa kanilang tirahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong dumaranas tayo ng pandemya, maraming pamilya ang sinusubok lalo na ang katatagan ng pagsasama ng mag-asawa sa kung paano nila dadalhin ang hagupit ng krisis sa kanilang pamumuhay.

Ang iba ay nananatiling matatag para sa isa't isa tulad na lamang nina Jeroy at Nina na kahit doble ang dagok ng pagsubok ay kinakaya nila ito sa araw-araw.

Ang ilan naman, may anak na kailangan tiisin huwag lamang maisugal ang kanilang kalusugan kaya sinasakripisyo na mawalay sa kanila pansumandali.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel