Huli sa akto! 16 magbabarkada, arestado matapos mahuling nag-iinuman sa isang party

Huli sa akto! 16 magbabarkada, arestado matapos mahuling nag-iinuman sa isang party

- Agad inaresto ng awtoridad ang mga magbabarkadang nahuling nag-iinuman sa isang party

- Nasa 16 na mga tao na pumunta sa party ang hinuli ng pulisya, ayon kay Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar

- Nakakuha ng tip umano ang mga pulis mula sa social media kaya nagsagawa agad sila ng operasyon

- Sa ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang mass gathering dahil sa banta ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang mga magbabakarda matapos silang mahuling lumabag sa quarantine protocols dahil sa isang inuman.

Nalaman ng KAMI na nasa 16 na tao ang nahuli sa inuman noong Sabado sa Taguig City.

Huli sa akto! 16 magbabarkada, arestado matapos mahuling nag-iinuman sa isang party

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng ABS-CBN News, nagsagawa ng operasyon ang Joint Task Force COVID Shield (JTF CV) matapos nilang makakuha ng tip sa social media na isang inuman ang naganap.

Agad namang sinalakay ng awtoridad ang nasabing party at hinuli ang mga naaktuhang dumalo rito.

Sa ulat noon ng Philippine Star (isinulat ni Franco Luna), sinabi ng pulisya na gagamitin nila ang social media upang matunton ang mga taong lumalabag sa health protocols ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang mass gathering at pagpunta sa mga malalayong lugar nang walang wastong kadahilanan.

Paliwanag naman ng Palasyo, wala umanong mali sa ginagawa ng mga pulis na bantayan ang social media para mahuli ang mga lumalabag sa quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 265,888 na ang kumpirmadong kaso at 53,754 naman ang active cases.

Samantala, isang tindero noon ang hinuli ng mga pulis matapos nitong maghamong arestuhin siya sa social media.

Nabalita rin ng KAMI noon na agad sinibak ni NCRPO chief Debold Sinas ang mga pulis na lumabag sa community quarantine protocols.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel