Cinderella ang peg! Suspek, nahuli dahil sa naiwan niyang tsinelas sa bahay ng biktima

Cinderella ang peg! Suspek, nahuli dahil sa naiwan niyang tsinelas sa bahay ng biktima

- Tampok sa social media ngayon ang mala-Cinderella na imbestigasyon ng pulisya sa General Santos City

- Isang suspek ang nagtangka umanong nakawin ang cellphone sa loob ng bahay ng biktima

- Subalit, nagmadali naman itong tumakas at naiwan niya sa bahay ng biktima ang isang tsinelas niya

- Kaya naman dahil sa tsinelas na ito, nahanap ng mga pulis ang suspek at inaresto rin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging kakaiba ang imbestigasyong naganap sa General Santos City dahil nagmistulang Cinderella ang nangyari rito.

Nalaman ng KAMI na naiwan ng lalaking nagnakaw umano ng cellphone ang isang tsinelas niya kaya nakatulong ito para mahanap siya ng mga pulis.

Cinderella ang peg! Suspek, nahuli dahil sa naiwan niyang tsinelas sa bahay ng biktima

Screenshot from the YouTube video of GMA News (Unang Hirit)
Source: Facebook

Ayon sa YouTube video ng GMA News, pinasok umano ng suspek ang bahay at tinangka nitong nakawin ang cellphone ng biktima.

Agad namang tumakbo at tumakas ang suspek matapos sumigaw ng biktima. Dito na nga naiwan ng suspek ang isang tsinelas niya sa bahay ng biktima.

Sa tulong naman ng isang witness, nahanap ang suspek na nakatira lang pala malapit sa bahay ng biktima. Napansin ng pulis na isa lang ang suot nitong tsinelas.

Kaya naman, pinasuot ng mga pulis ang tsinelas na nakita nila sa bahay ng biktima sa suspek at dito nga nakitang magkapares ito.

Paliwanag ng suspek, ginawa niya ang krimen dahil sa gutom. Subalit, itinanggi naman nito na kumuha siya ng cellphone.

Panoorin mula sa 11:25 ng video na ito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ngayon, maraming mga Pinoy ang kanya-kanyang diskarte ang ginagawa para mabuhay. Kaliwa’t kanan na nga rin ang mga krimeng nangyayari.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang suspek naman ang nagtangkang tumakas sa mga pulis. Nakasakay pa ng taxi ang suspek pero hindi niya inasahang sa presinto siya ihahatid ng taxi driver.

Samantala, isang 53-anyos na pedicab driver naman ang inaresto matapos nitong kumuha diumano ng dalawang de-lata para may makain.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel