Gumagawa ng saranggola, nabiktima ng "It's a prank!" para sa YouTube

Gumagawa ng saranggola, nabiktima ng "It's a prank!" para sa YouTube

-Hindi naiwasang mag-rant ng isang netizen tungkol sa naging karanasan ng kanyang kuya matapos ma-scam ng isang Facebook user

-Ayon sa netizen, nagpagawa ng ilang piraso ng saranggola ang scammer sa kanyang kapatid sa halagang P500

-Ibinahagi rin ng netizen ang conversation ng dalawa kung saan makikita pa ang pagmamadali ng scammer na matapos ng kanyang kapatid ang mga saranggola

-Ngunit nang magkikita na ang mga ito ay sinabi ng FB user na ito ay isa lamang prank o biro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naiwasang mag-rant ng isang netizen tungkol sa naging karanasan ng kanyang kuya matapos ma-scam ng isang Facebook user.

Ayon sa post ng netizen na si Xia Jae, nagpagawa ng walong piraso ng saranggola ang scammer na may pangalang "Jane Aquino" sa kanyang kapatid sa halagang P500.

Gumagawa ng saranggola, nabiktima ng "It's a prank!" para sa YouTube

Photo from Xia Jae Facebook account
Source: Facebook

Sa mga ibinahaging conversation ng kanyang kuya at ng FB user makikita pa na may pagmamadali sa huli na magawa ang kanyang order na ayon dito ay pagawa ng tiyuhin nito.

Sa isang bahagi ng pag-uusap ng dalawa ay humingi pa ng discount si "Jane" kapalit ng halik. Ngunit magalang itong tinanggihan nga lalaki na isa nang pamilyadong tao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang magkasundo na ang mga ito na magkita ay kung anu-ano na ang idinahilan ni Jane sa lalaki.

Kung saan-saan na rin napunta ang lalaki para lang mai-deliver sa babae ang mga order nitong saranggola gamit ang kanyang bike.

Hanggang sa sinabi ng ni Jane na prank lamang pala ang lahat para sa isang YouTube video.

Ayon pa kay Xia Jae, pinagpuyatan ito ng kanyang kapatid para lamang maideliver agad sa babae ang mga order nito.

Deactivated na rin ang account ni "Jane" at hindi malinaw kung ito ay isa lamang poser.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakalungkot na sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng marami ay mayroon pa ring nanamantala sa ating mga kababayan.

Marami na ring reklamo katulad nito ang naibahagi ng ilang sa social media.

Katulad na lamang ng isang netizen na halos masimot ang inipon sa BPI nang mabiktima ng online scam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel