Lolit Solis, humingi ng dispensa kay Heaven Peralejo at sa mommy nito

Lolit Solis, humingi ng dispensa kay Heaven Peralejo at sa mommy nito

- Humingi ng dispensa si Lolit Solis sa aktres na si Heaven Peralejo at sa mommy nito

- Ito ay kaugnay sa isang blind item na kanyang kinumpirma na si Heaven umano ang tinutukoy

- Aminado ang showbi reporter na narinig lamang niya ang bulong bulungan tungkol dito

- Gayunpaman, nilinaw nina Ogie Diaz, Jimuel at Jinkee Pacquiao walang katotohanan ang nasabing isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pormal na humingi ng dispensa si Lolit Solis sa aktres na si Heaven Peralejo at sa ina nito na naapektuhan sa inilabas niyang Instagram post tungkol sa umano'y paghingi ng tulong ng aktres kay Senator Manny Pacquiao at pagpapadala umano ng pera ng maybahay ng pambansang kamao.

Sa kanyang post, buong pagpapakumbabang inamin ni Manay Lolit ang kanyang pagkakamali.

"Tanggap ko pag nagkamali ako, i don't find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko. Ang hindi ko talaga magawa iyon magbura o mag archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko. Kung ang consequence ng ginawa ko maging mahirap dalhin, kakayanin ko, basta naging tutoo ako sa sarili ko," aniya.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Nabasa lamang daw niya ang tungkol sa blind item at may nakapagsabi sa kanya na si Jinkee umano at Heaven ang tinutukoy sa blind item.

Kinumpirma niya ring nilinaw ni Ogie Diaz na kaya ni Heaven na kumita ng ganoong halaga kahit hindi siya manghingi.

Nahihiya umano si Manay Lolit na nadamay pa sa isyu ang mag-inang Jimuel at Jinkee Pacquiao.

Sinang-ayunan ng showbiz reporter ang sinabi ng mommy ni Heaven na dapat ay hindi na siya nagbabalita ng tungkol sa mga blind item lalo at 73 years old na umano siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang bahagi ng mensahe ni Manay Lolit para kna Heaven at mommy nito.

"Sa nagawa ko , SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved. So SORRY Heaven , at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan. Hindi tutoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat."

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan
Lolit Solis, humingi ng dispensa kay Heaven Peralejo at sa mommy nito

Heaven Peralejo Photo from Flickr (www.flickr.com/photos/superjimcenbagsik/42272932982)
Source: UGC

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel. Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nauna nang inalmahan ni Heaven ang lumabas na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Nilinaw niyang hindi totoo na humingi siya ng pera kagaya sa lumabas na blind item.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel