Heaven Peralejo, itinanggi ang balitang binigyan siya ng pera ni Jinkee Pacquiao

Heaven Peralejo, itinanggi ang balitang binigyan siya ng pera ni Jinkee Pacquiao

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang aktres na si Heaven Peralejo hinggil sa isyung kinasangkutan

- Matatandaang pinagpiyestahan ng mga netizens ang Instagram post ng showbiz reporter na si Lolit Solis

- Iginiit ni Heaven na walang katotohanan ang lumabas na balitang nanghingi siya ng pera mula kay Senator Manny Pacquiao

- Maging si Jimuel Pacquiao na ex-boyfriend ni Heaven ay pinasinungalingan ang isyung ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binasag na ni Heaven Peralejo ang kanyang pananahimik hinggil sa isyung humingi umano siya ng tulong mula kay Senator Manny Pacquiao na ama ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

Sa kanyang Instagram story ngayong Lunes, September 14, 2020, mariing itinanggi ng aktres na humingi siya ng pera.

Dahil sa lumabas na balita, naiba umano ang pagtingin sa kanya ng mga tao at nasaktan siya.

Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

Malaki ang kanyang pasasalamat na nabigyan siya ng pagkakataon na makapaghanapbuhay nang marangal at kung ano man daw ang meron siya, pinaghirapan niya iyon.

Heaven Peralejo, naglabas ng saloobin hinggil sa mga pahayag ni Lolit Solis

Heaven Peralejo Photo from Flickr (www.flickr.com/photos/superjimcenbagsik/42272932982)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan ng aktres si Jimuel Pacquiao pati na rin ang pamilya nito dahil sa suportang kanilang ibinigay sa pamamagitan ng pagbibigay-linaw sa lumabas na isyu.

Hindi din kinaligtaang pasalamatan ng aktres ang kanyang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta.

Heaven Peralejo, naglabas ng saloobin hinggil sa mga pahayag ni Lolit Solis

Photo from Heaven Peralejo's Instagram story
Source: Instagram

Matatandaang pinagpiyestahan ng mga netizens ang Instagram post ng showbiz reporter na si Lolit Solis. Sa kanyang Instagram post ay inilabas ng showbiz reporter ang umano'y paghingi ng tulong ni Heaven kay Sen. Pacquiao at ang umano'y pagbibigay ni Jinkee Pacquiao ng 100,000 kay Heaven.

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging si Jinkee Pacquiao ay nagpadala umano ng mensahe kay Lolit Solis at humiling na burahin na lamang ng showbiz reporter ang kanyang post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel