Lolo na ang paninda ay nakasabit sa katawan, natulungan ng mga netizens

Lolo na ang paninda ay nakasabit sa katawan, natulungan ng mga netizens

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng isang lolo na ang mga paninda ay nakasabit mismo sa kanyang katawan

- Dahil dito, marami ang nagpaabot ng tulong sa matanda na mag-isa na lamang palang namumuhay

- Mayroon din siyang karamdaman kaya tinatyaga niya na maghanapbuhay para may pambili ng gamot at makakain

- Nakikitira lamang siya sa isang kaibigan habang ang kanyang misis ay namamasukan at isang beses lang sa isang taon kung magkita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolo na ang paninda ay nakasabit sa katawan, natulungan ng mga netizens

Tatay Cirilo (Photo from Daryl Bontia's Facebook)
Source: Facebook

Maraming netizens ang naantig ang puso sa larawan ng isang tindero ng biskwit at kendi na nakasabit mismo sa kanyang katawan.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang nagmalasakit na kunan ng larawan ang 62-anyos na si irilo Almona ng Pasig City.

Kapansin-pansin ang tindero dahil sa kakaibang istilo niya ng paglalako.

Ayon sa uploader na si Daryl Bontia, namumuha na mag-isa si Tatay Cirili.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Bagaman at may asawa pa siya, bihira silang magkita dahil mnamamasukan ito. Umaabot pa ng taon, bago sila magpangita muli.

Walang sariling tirahan ang matanda at nakikisilong lamang sa kanyang kaibigan.

Hindi rin pinalad na magkaanak ang tindero kaya naman walang ibang sumusuporta sa kanya.

May sakit din si Tatay Cirilo. Ito ang dahilan kumbakit sinisikap niyang maghanapbuhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kanyang edad, hindi biro ang maghapong paglalako at pagsabit sa mga jeep para lamang mayroong kitain.

Inilagay na rin ng uploader ang mga detalye kung paano mahahagilap si Tatay Cirilo sa Rosario, Pasig para sa mga nais magpaabot ng tulong.

Hindi naman sila nabigo sa pangangalap ng tulong. Katunayan, naipamili na nina Daryl at Tatay Cirilo ang mga padala ng netizens.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang saya-saya ni Lloyd," BFF ni Lloyd Cadena, ibinahagi ang panaginip

Kahit dumaranas ng matinding krisis dala ng pandemya, nakatutuwan isipin na namumutawi pa rin ang pagtutulungan ng bawat isa.

Tulad na lamang ng motorcycle riders na pinakyaw na ang mga paninda ng isang lolo sa gilid ng kalsada upang makauwi na ito at lubhang mapanganib din sa kanyang edad ang manatili pa sa lansangan habang patuloy ang paglaganap ng COVID-19.

Gayundin ang mga pulis sa checkpoint na imbis na pagmultahin ang kaawa-awang matanda na dahon lang ang ginawang face shield ay binigyan na lamang ng magagamit na face mask.

Patunay lamang ito na tayong mga Pilipino ay likas na matulungin na sa kahit anong paraan na kaya natin, handa tayong umalalay sa mga higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel