Cherie Gil, ibinenta ang sasakyan sa gitna ng pandemya

Cherie Gil, ibinenta ang sasakyan sa gitna ng pandemya

- Aminado ang batikang aktres na si Cherie Gil na nagbenta siya ng sasakyan sa gitna ng kinakaharap na pandemya

- Ayon sa kanya, binenta niya ang kanyang sasakyan dahil hindi naman niya nagagamit dahil kailangang manatili sa bahay

- Gayunpaman, nami-miss niya na rin umano ang pagtatrabaho at pag-arte sa harap ng kamera

- Sa kasalukuyan, mayroon siya acting masterclass kung saan ibinabahagi niya ang kanyang husay sa pag-arte sa mga nais matuto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Cherie Gil na nagbenta siya ng sariling sasakyang ngayong panahon ng pandemya.

Nasanay na rin ang batikang aktres sa "new normal" kung saan hindi na kailangang lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang gagawin.

Napag-alaman ng KAMI na maging ang lyfestyle niya ay nag-iba na rin kagaya ng karamihan simula nang magkaroon ng health crisis sa buong mundo.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya
Cherie Gil, ibinenta ang sasakyan sa gitna ng pandemya

Cherie Gil (Photo by Pascal Le Segretain/Getty Images
Source: Getty Images

“All of us are in the same storm, kanya-kanyang barko nga lang. And then of course, the lifestyle changed. You realize that you don’t need much,” ani Cherie sa isang panayam ng GMA Public Affairs program na Bright Side.

Halos kalahating taon na rin siyang hindi nakakalabas at bumiyahe simula nang magpatupad ng lockdown dahil sa pandemic.

“In fact, kakabenta ko nga lang ng isang kotse. I said, ‘That’s it, I don’t really need cars, I don’t go anywhere,'” pagbabahagi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, sa kabila ng mga nangyayari ay nakaka-adjust na siya at nae-enjoy niya na rin ang tinatawag na new normal.

Isa sa kanyang mga na-miss ay ang makapagtrabaho katulad dati kasama ang ibang pang mga artista.

“I miss it of course, so that’s why I decided to create an online master class, so nai-ignite pa rin ‘yung motor ko at saka in a way I’m quite inspired,” pagbabahagi niya.

Bea Alonzo, Hindi inalis sa kanyang bahay ang regalo ni Zanjoe Marudo sa kanya

Sa kasalukuyan, mayroon siyang acting masterclass kung saan ibinabahagi niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Si Cherie Gil o Evangeline Rose Gil Eigenmann sa tunay na buhay ay isang award-winning actress. Naging bahagi siya ng maraming TV series kung saan kalimitan ay gumaganap siya bilang kontrabida.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging usap-usapan ang batikang aktres dahil sa kanyang pagbabahagi ng saloobin tungkol sa mga mas nakababatang artista na tumatawag sa kanya ng tita.

Ibinahagi niya rin ang mga dapat ugaliin ng mga artista sa trabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel